New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
Results 31 to 39 of 39
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,689
    #31
    katoto,kapamilya,kapuso,kaibigan,kabisote


    magaling, magaling sa aking pagbabasa sa panitik na ito ako'y napangiti sa kabila ng aking maliit na kalungkutan....salamat sa inyo mga tunay na henyo....muli na naman kayong nakatulong sa panadaliang paglimot sa mga bagay bagay na dinadala ng ating mga katoto dito a tsikot...mabuhay ang wikang Pilipino !!!

  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #32
    Quote Originally Posted by bulits View Post
    labis labis ang aking kagalakan at marami sa inyo ang nakikisimpatiya sa aking hinagpis. malaking bagay na sa akin ang inyong mga tinuran. para baga akong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan at ang aking pagdadalamhati ay naibsan. muli maraming salamat sa inyo mga katoto.


    Kaibigan taas kamao akong bumabati sa iyong lubos na pagtitimpi ng iyong saloobin ukol sa iyong hindi makatarungan karanasan.

    Muli ang aking pagbati.

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #33
    Mabuhay ang pilipinas!

    Sorry po sa OT.

  4. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    13
    #34
    you should giant him! (sa tagalog, maghiganti ka sa kanya)

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    402
    #35
    saganang akin po laang, nawa'y naliwanagan ang iyong puso't damdamin sa mga samut-saring payo ng ating mga katoto at kapanalig upang sa gay'on malimutan mo ang iyong hinagpis na dinanas sa masalimoot na pangyayari...

  6. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #36
    Umabot ng page 2 pagka lalim ng tagalog nyo ah

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #37
    he he he... di ko rin lubos maisip na aabot sa ikalawang pahina itong aking saloobin. gayunpaman ay maganda rin naman ang kinalabasan nito dahil sa muli na namang nabuhay ang ating mga natutulog na diwa patungkol sa panitikan. muli sana nating buhayin ang ating kinagisnang wikang pilipino.

    hindi kaya maging balagtasan itong ginawa kong talaan?

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,096
    #38
    :puyat::insomnia::outcold:kailangan ko yata ng tagalog dictionary :book:

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #39
    Balikan po natin ngayon ang katwiran yaring usapin;

    Nang sa gayo'y mapaghulo, makatapos ay pagtimbangin.

    Kung alin ang nararapat kapag tao'y inabuso!

    Tatahimik na lamang ba o di kaya'y ituloy ang reklamo?
    Last edited by dbuzz; January 28th, 2008 at 03:25 PM.

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
09202069411 ayaw ako bayaran