hi po baguhang driver rin lang po ako.. medyo nalilito lang po ako sa ilang bagay sa driving.

1. ok lang po ba na pagkastart mo ng kotse (syempre naka1st gear ka) at moving na sya smoothly for several meters puwede mo na completely irelease yong clutch para nakafoot rest na lang yong paa mo? di ba mula 2nd gear lang ginagawa yong pagbitaw ng clutch?ang pagkakaalam ko kasi pagnaka1st gear ka ang puwede mo lang completely irelease eh yong accelator kasi since nasa working level na yong sasakyan magmomove pa rin sya kahit wala na accelator/gas. kahit sa 2nd gear puwedeng umaandar ang kotse na talagang mabagal na nakabitaw sa gas basta nagroroll p rin ang sasakyan.

2. ok lang po ba na magfull stop na naka2nd gear ka? syempre slow down muna or minimal break, then clutch down, then break to stop completely. pagkastop naman at pagmedyo hindi pa agad tatakbo ang sasakyan (halimbawa sa traffic o nakared light) magneuneutral ka, pero pag patakbo na rin ulit 1st gear na rin lang agad.

3. kung puwede magfull stop na naka2nd gear, puwede rin ba itong gawin sa 3rd,4th and 5th gear na hindi ka na magdodownshift? ang gagawin mo na lang eh minimal break na lang hanggang sa talagang magslow down ang sasakyan then clutch down then break to stop completely? syempre naman po pagsakaling nakaslowdown ka na dahil sa tingin mo hihinto ka completely pero bigla pa lang nagmove na mga sasakyan hindi mo na need magstop kundi downshift ka na lang most likely downshift to 2nd gear.

4. ano po ba ang pinakasafe na gear kung pababa ka na ng flyover na dirediretso para di ganon katulin at di naman rin ganon kabagal ang takbo mo pababa ng flyover?

5. ano po ba yong tinatawag na coasting at engine break?