happy new year po sa inyo mga ka-tsikot.
Gusto ko lang po i-share ang worst na nangyari sa akin kagabi...galing po kami ng province namin sa pangasinan, ilang minuto nalang at makakarating na kami sa project 3, dumaan kami sa west ave. para idaan yung padala ng nanay ng kaibigan ko at huminto kami sandali dun para makapag pahinga naman sa layo ng biyahe

na bigla nalang sinabi ng gf ko na may naaamoy siya na sunog, inamoy ko sa may dashboard pero wala talaga ako ma-amoy.Di ko pinansin. dumaan kami sa may timog sa petron gas station para mag pa-GAS para ihatid ang gf ko, nandun na kami pumipila na bigla nalang umusok sa Dashboard at sa Hood, pinatay ko makina pero lumalakas ang usok,nagpanic ang mga Gasoline boy inilayo nila, pero nasa loob pa ng kotse ang gf ko at pamangkin ko umiiyak at humahagolgol na ang gf ko sa loob kasi lakas ng usok.hinatak ko palabas kasi nagpanic na siya,yung pamangkin ko di ko alam kung panu siya nakalabas at sabay itinaas ko ang HOOD ko nakita ko na nasusunog yung dalawang ilaw ko nakita ko may apoy, nagpanic na lahat ang mga nagpapa-GAS.sabi nila buhusan ng tubig pero sabi ko wag...lumayo na lahat ng tao dun kasi medyo malaki na ang apoy at sabi pa ng G*G* na gas boy sasabog na ang GAS station nagpanic lahat ng tao dun..nakita ko may fire estengisher sa malapit sa cashier kinuha ko na...sabay spray sa hood, namatay ang apoy pero may usok pa...naisip ko na putulin yung mga connection ng mga battery ko, takbo ako sa trunk ko para kunin pang putol ko..yun nakita ko agad sabay putol ang mga wires ng battery ko. dun na huminto ang usok.

after 30mins, at nanginginig pa ako.tinawagan ko kaibigan ko sa mechanic, buti nalang sa andun lang siya sa bahay nila.pinahatak ko na.
nagpapasalamat ako at di ako nagpanic masyado, at nagpapasalamat ako at di sa highway nangyari yun at wala nangyari sa amin.
ang problema,malaki nanaman magagastos ko, hay buhay...gastos na naman.
post ko ulit kung anu na update sa kotse ko.
