New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    138
    #1
    POta. Nagitgit ako ng bus, ordinary pa! Kasalanan nya, sumobra kabig sa kaliwa kaya nadali ang front bumper ko, basag ang corner light at gasgas/crack ang bumper at konting body. Ayun, ayaw aregluhin ng driver. Which is expected dahil I doubt kung may pera yun. So nagsketch at pumunta sa traffic police station. Sinubukan kong kumbinsihin na magbigay kahit 2K (estimated damage ko ay 4-5K, corolla 94 lng naman kc oto ko). Wala talaga.

    So kasuhan na lang ang option. May habol pa kaya ako? Ano ba proseso sa mga kaso kaso na yan? Baka added gastos lang din, dahil sa atraso, atty at hearing!

    Taena, pasko pa naman.
    Words of wisdom naman!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #2
    serious advice ko sa iyo pare, taya ka na lang ng lotto mas malaki pa chances mo manalo.

    share ko lang sa iyo. kami 2 times na kami nagkaso sa mga lintek na bus companies na yan. first time nabangga pinsan kong babae, patay. case dragged on for 3 years bago bumaba ang sentence na nag-award ng damages ang court. as it turned out dami na aksidente yung driver nila pero di pa din nila discipline kahit suspension man lang kahit minsan so besides sa insurance e nag-award ng damages ang court sa uncle ko. kaso liit lang, tapos e appeal pa ang bus company. talo din sila sa appeal. nung naniningil na ang lawyer ng uncle ko sabi ng bus company singilin daw sa buwan at wala sila ibabayad. so ayun agnas na ang buto ng pinsan ko kahit isang kusing wala pa din nakuha.

    second time naman nabangga ng bus ang taxi ni erpats. demanda din, kaso nung review ng lawyer namin ang possible compensation para sa damages (walang insurance yung bus) e sobra liit lang. so ginawa namin claim na lang kami sa insurance namin tapos pinasa namin sa kanila ang kaso. yung insurance na ang naningil sa bus company. turns out, nung kami ang kausap nung bus company super tigas ng mga loko. nung yung insurance company na na e bayad naman sila agad. takutan lang pala ang labanan. pag private individual ka lang matapang sila, pag malaking insurance company kalaban nila tiklop din agad.

    halang talaga kaluluwa ng mga bus companies pards. alam kasi nila maliit lang ang damages na ina-award ng courts. tapos asa sila na sa tagal ng kaso (experts sa delaying tactics mga lawyers nila) e mawawalan ka na ng gana. saka mag-award man ang courts ng damages, di naman agad pwede singilin at pwede pa sila mag-appeal o kaya hindi ka lang talaga babayaran. gastos ka na sa abogado, inis talo ka pa.

    so taya ka na lng talaga sa lotto, mas malaki pa chances mo.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #3
    sorry kung negative ang post ko..pero ito lang ang laging nangyayari samin at sa customers namin...

    sabihin na nating dinemanda mo.///ok ayos..umaandar ang demanda.

    sabihin na nating..NANALO KA!yahoo diba..pero hindi..

    sasabihin lang ng korte na..oh bayaran mo si xfreemanx ng 4thou ha...

    sabihin sayo ng nakabangga na "opo..pero hulugan kasi wala talagang pera"...

    ay josko..kailan ka pa makakasingil?hindi mo naman pwede pwersahin kasi babayaran ka naman daw..hulugan nga lang.walang masasabi ang korte na nun...wala na sila pakialam dun basta ba babayaran ka...

    kaya talo talaga tayo jan mehn.

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #4
    aguuuy..sorry sir xfreemanx..very credible lessons from sirs yebo & glennster..

    ako share korin sa ex-car namin..anak ko nagdadrive with her schoolmates..traffic from miriam to up..tapos ..creekkksss..gitla mga bata sa loob ng sasakyan..sumabit iyong mala sungay na bumper ng lumang ice van driven by the bummest of 'em all sa right side cowl ng revo..parang sinabitan ng hook iyong kawawang sasakyan umusli pataas ang porma ng cowl..

    ..pinaikutan ng mga barkada ang van at tinalakan ng husto ang driver..deadma lang daw..dating si lispu..kuha sketch, statements..puro kamot ulo lang ginawa ng driver..well, ala rin nangyari.. fi-nile ang police report sa up police station kumuha lang ng kopya then charge to insurance nalang last recourse..ano maaasahan sa ice van..aber..baka bangag pa 'yong driver, anoh?..kahit maglulupasay ka pa ika nga..

    ..swirtihan lang daw pagmamaneho satin..

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,306
    #5
    xfreemanx,

    kung may insurance ang kotse.. sa insurance na lang sumingil and bahala na sila tulad ng sabi ni yebo..

    kung walang insurance, you should know na you take all the risk.. kaya po meron car insurance is para ipasa ang ibang risk factors sa kanila

    i think the annual insurance for a 1994 corolla is around 8K ...and you mentioned na 4K ang cost ng repairs mo.. i think nakatipid ka pa rin even without insurance.. ito na lang isipin mo para wala ng "stress" ..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    457
    #6
    Do you guys think that paying for 'goons' instead of lawyers will work? Seriously. These guys know how it works, kaya ang lakas ng loob nilang bumangga. They KNOW that nothing's going to happen to them. Well, unless they meet someone that's around their level.

    I've been thinking about this option kasi the law obviously doesn't work for the law-abiding.

    Like papabugobog ko yung bus driver until he coughs up payment for both the goons and the damage. At least masmabilis na option.

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    148
    #7
    Tama sabi ng mga seniors, taya na lang ng lotto o kaya wag ka ng umasa pa. Ganyan rin nangyari sa akin nabangga ang tsikot ko kaso nabangga rin ng shovel ang mukha ng driver na nakabangga sa akin. Sabi nga, drive defensively.

  8. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    512
    #8
    Diba automatic na kulong yung bus drivers na naka patay ? Hindi na kailangan mag file ng complaint para ikulong yun ?

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #9
    happened to my kumpare. his car was parked at his usual parking space sa likod ng building nila... in the same lot since napakalaki nung lupa nung building, nandun din terminal ng Crow Bus Line... nagmani-ubra yung bus tinamaan left rear fender, basag tail lite, bumper na-alis talaga from the car... total damage estimate 18k labor and materials, ilaw at bumper papalitan. until wala pa sya nasisingil kahit singko...

    pwede m claim sa TPL ng bus yung damage mo... madalas palusot nila TPL is for yung tao na nasagasaan... kasama yung property damage... yung sa huling bumangga na jeep sa akin, TPl insurance nya nag bayad sa akin. medyo maliit amount pero kesa wala

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    561
    #10
    Mahirap tallaga pag mabangga ng bus, wala kang maaasahang compensation from them. Charge to insurance na lang yan xfreemanx, tapos sabihin mo sa insurance company mo na habulin na lang nila yung bus company.

    Prometheus - 'may bumanggang shovel' sa mukha ng driver?;)

  11. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #11
    well, if all else fail, have the franchise cancelled by the ltfrb? sabay file ng suit na damage to property?

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #12
    Hindi naman ganun kalaki ang gastos kung kakasuhan mo. Basta may kaibigan kang abogado na pwede mag-payo sa iyo. You don't need a lawyer to show up if ever may hearings.

    My father just represents himself (and he is a physician by profession, auto enthusiast by choice).

    Mahigit three cases na naipanalo namin though mostly against private parties.

    Sa bus company, mas madali makipag-usap sa mga higher officials. Wala ka talaga mapapala sa driver. In our case, nung mawasak yung W123 namin, mismong may ari pa ng bus company ang dumating sa scene.

    But you can also talk to the guy that handles their insurance and stuff.

    Btw, wala kaming comprehensive on all our crashed vehicles.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  13. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    20
    #13
    sana tamaan ng kidlat lahat ng lokong bus driver na yan. puro kamot ulo lang alam mga yun wala man lang concern sa ibang tao.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #14
    when i lived there i was hit twice - one by a bus driver and one by a jeepney driver. my strategy is just to ask for my deductible in cash (or whatever they can give me from their cash drawer) - alam ko hanggang doon na lang sila, swerte pa kung maka-P500 ako dun.

  15. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #15
    puro kamot ulo lang alam mga yun wala man lang concern sa ibang tao.
    ang masasabi ko lang sa bus driver at jeep matatapang yan pero pagdating sa banggaan puro kamot lang ng kamot ang alam kung pwede nga lang sabihin sa kanila kung wala silang pangbabayad "akin na lang yan jeep o bus mo wala ka naman pangbabayad eh"...

  16. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    20
    #16
    sana magkaroon ng vigilante groups na tinitira mga sumosobra na. hehehe sarap cguro magbasa ng tabloids na afterwards...just imagine the headlines hehehehee jk.

  17. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    137
    #17
    totoo lahat ng sinabi nila....wala ka talagang maaasahang compensation sa bus or jeepney driver na yan....minsan na rin akong nabangga ng jeepney....wasak ang bumper, bulag ang isang mata ng fx ko....dating yung pulis, kuha sketch, dala sa presinto....tapos wala rin....walang pambayad yung driver kahit singkong bulag wala talaga....buti na lang may insurance na nag cover ng gastos....pero kahit ganun....naabala pa din ako kasi 2 weeks ginawa sa kasa yung sasakyan hindi ko nagamit..bw*sit ng mga abusadong driver, akala kasi nila sila talaga ang hari ng daan.


    kaya mga kasama, ingat lang hanggat kayang umilag....ILAG

  18. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,933
    #18
    i hope the govt can implement that all public vehicles carry comprehensive insurance before being given a franchise or make the public transportation be runned by the govt to minimize traffic due to greedy bus drivers and conductors wanting more passenger for more profit (or take home pay). Why can't the govt look at developing countries and 1st world countries and copy how civilized their public transpo. (i.e. Singapore, States, etc). imo

  19. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #19
    they should install cameras along edsa ang keep track of bus drivers driving recklessly. pag naka strike 3, icancel kaagad ung franchise ng bus. tutal sobrang dami namang buses along edsa e.

    buti sana kung bisikleta ang hawak nila, kahit gaano kabarumbado magmaneho e sila lang ung madidisgrasya...if you drive a bus like a jeep, ung ibang kotse at mismong pasahero ng bus ang namimiligro

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #20
    reckless bus/jeepney drivers + not so well maintained vehicles = ayuszzz! dasal na lng tayo pag nagmamaneho

Nabangga ng Bus!!! Paano makakasingil ng damages?