New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    138
    #1
    POta. Nagitgit ako ng bus, ordinary pa! Kasalanan nya, sumobra kabig sa kaliwa kaya nadali ang front bumper ko, basag ang corner light at gasgas/crack ang bumper at konting body. Ayun, ayaw aregluhin ng driver. Which is expected dahil I doubt kung may pera yun. So nagsketch at pumunta sa traffic police station. Sinubukan kong kumbinsihin na magbigay kahit 2K (estimated damage ko ay 4-5K, corolla 94 lng naman kc oto ko). Wala talaga.

    So kasuhan na lang ang option. May habol pa kaya ako? Ano ba proseso sa mga kaso kaso na yan? Baka added gastos lang din, dahil sa atraso, atty at hearing!

    Taena, pasko pa naman.
    Words of wisdom naman!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    serious advice ko sa iyo pare, taya ka na lang ng lotto mas malaki pa chances mo manalo.

    share ko lang sa iyo. kami 2 times na kami nagkaso sa mga lintek na bus companies na yan. first time nabangga pinsan kong babae, patay. case dragged on for 3 years bago bumaba ang sentence na nag-award ng damages ang court. as it turned out dami na aksidente yung driver nila pero di pa din nila discipline kahit suspension man lang kahit minsan so besides sa insurance e nag-award ng damages ang court sa uncle ko. kaso liit lang, tapos e appeal pa ang bus company. talo din sila sa appeal. nung naniningil na ang lawyer ng uncle ko sabi ng bus company singilin daw sa buwan at wala sila ibabayad. so ayun agnas na ang buto ng pinsan ko kahit isang kusing wala pa din nakuha.

    second time naman nabangga ng bus ang taxi ni erpats. demanda din, kaso nung review ng lawyer namin ang possible compensation para sa damages (walang insurance yung bus) e sobra liit lang. so ginawa namin claim na lang kami sa insurance namin tapos pinasa namin sa kanila ang kaso. yung insurance na ang naningil sa bus company. turns out, nung kami ang kausap nung bus company super tigas ng mga loko. nung yung insurance company na na e bayad naman sila agad. takutan lang pala ang labanan. pag private individual ka lang matapang sila, pag malaking insurance company kalaban nila tiklop din agad.

    halang talaga kaluluwa ng mga bus companies pards. alam kasi nila maliit lang ang damages na ina-award ng courts. tapos asa sila na sa tagal ng kaso (experts sa delaying tactics mga lawyers nila) e mawawalan ka na ng gana. saka mag-award man ang courts ng damages, di naman agad pwede singilin at pwede pa sila mag-appeal o kaya hindi ka lang talaga babayaran. gastos ka na sa abogado, inis talo ka pa.

    so taya ka na lng talaga sa lotto, mas malaki pa chances mo.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #3
    sorry kung negative ang post ko..pero ito lang ang laging nangyayari samin at sa customers namin...

    sabihin na nating dinemanda mo.///ok ayos..umaandar ang demanda.

    sabihin na nating..NANALO KA!yahoo diba..pero hindi..

    sasabihin lang ng korte na..oh bayaran mo si xfreemanx ng 4thou ha...

    sabihin sayo ng nakabangga na "opo..pero hulugan kasi wala talagang pera"...

    ay josko..kailan ka pa makakasingil?hindi mo naman pwede pwersahin kasi babayaran ka naman daw..hulugan nga lang.walang masasabi ang korte na nun...wala na sila pakialam dun basta ba babayaran ka...

    kaya talo talaga tayo jan mehn.

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #4
    aguuuy..sorry sir xfreemanx..very credible lessons from sirs yebo & glennster..

    ako share korin sa ex-car namin..anak ko nagdadrive with her schoolmates..traffic from miriam to up..tapos ..creekkksss..gitla mga bata sa loob ng sasakyan..sumabit iyong mala sungay na bumper ng lumang ice van driven by the bummest of 'em all sa right side cowl ng revo..parang sinabitan ng hook iyong kawawang sasakyan umusli pataas ang porma ng cowl..

    ..pinaikutan ng mga barkada ang van at tinalakan ng husto ang driver..deadma lang daw..dating si lispu..kuha sketch, statements..puro kamot ulo lang ginawa ng driver..well, ala rin nangyari.. fi-nile ang police report sa up police station kumuha lang ng kopya then charge to insurance nalang last recourse..ano maaasahan sa ice van..aber..baka bangag pa 'yong driver, anoh?..kahit maglulupasay ka pa ika nga..

    ..swirtihan lang daw pagmamaneho satin..

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,306
    #5
    xfreemanx,

    kung may insurance ang kotse.. sa insurance na lang sumingil and bahala na sila tulad ng sabi ni yebo..

    kung walang insurance, you should know na you take all the risk.. kaya po meron car insurance is para ipasa ang ibang risk factors sa kanila

    i think the annual insurance for a 1994 corolla is around 8K ...and you mentioned na 4K ang cost ng repairs mo.. i think nakatipid ka pa rin even without insurance.. ito na lang isipin mo para wala ng "stress" ..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    457
    #6
    Do you guys think that paying for 'goons' instead of lawyers will work? Seriously. These guys know how it works, kaya ang lakas ng loob nilang bumangga. They KNOW that nothing's going to happen to them. Well, unless they meet someone that's around their level.

    I've been thinking about this option kasi the law obviously doesn't work for the law-abiding.

    Like papabugobog ko yung bus driver until he coughs up payment for both the goons and the damage. At least masmabilis na option.

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    148
    #7
    Tama sabi ng mga seniors, taya na lang ng lotto o kaya wag ka ng umasa pa. Ganyan rin nangyari sa akin nabangga ang tsikot ko kaso nabangga rin ng shovel ang mukha ng driver na nakabangga sa akin. Sabi nga, drive defensively.

  8. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    512
    #8
    Diba automatic na kulong yung bus drivers na naka patay ? Hindi na kailangan mag file ng complaint para ikulong yun ?

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #9
    happened to my kumpare. his car was parked at his usual parking space sa likod ng building nila... in the same lot since napakalaki nung lupa nung building, nandun din terminal ng Crow Bus Line... nagmani-ubra yung bus tinamaan left rear fender, basag tail lite, bumper na-alis talaga from the car... total damage estimate 18k labor and materials, ilaw at bumper papalitan. until wala pa sya nasisingil kahit singko...

    pwede m claim sa TPL ng bus yung damage mo... madalas palusot nila TPL is for yung tao na nasagasaan... kasama yung property damage... yung sa huling bumangga na jeep sa akin, TPl insurance nya nag bayad sa akin. medyo maliit amount pero kesa wala

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    561
    #10
    Mahirap tallaga pag mabangga ng bus, wala kang maaasahang compensation from them. Charge to insurance na lang yan xfreemanx, tapos sabihin mo sa insurance company mo na habulin na lang nila yung bus company.

    Prometheus - 'may bumanggang shovel' sa mukha ng driver?;)

Page 1 of 2 12 LastLast
Nabangga ng Bus!!! Paano makakasingil ng damages?