Kung motorsiklo lang naman, panunahin mo na. Sayang ang galit at init ng ulo para pagtalunan kung sino ang dapat mauna. Manipis lang naman yun, kahit na half lane kaya lumusot nun.

At kung ikaw ang lilipat sa linya nya, tyempuhan mo na may kusang loob na papalusutin ka. Mahirap sumingit ng linya kung ginigitgit ka ng sasakyan sa lilipatan mo.