due to limited budget... ano po ang mas magandang bilhin, yong magara pa ang kaha pero may konting diperensiya naman siya sa makina and/or other parts or yun naman kayang maganda ang kundisyon ng makina and other parts pero ang body na may yupi at kailangan pang i-repair? alin po sa nabanngit ang mas makakabawas sa gagastusin?
'sensya na po kung complicated masyado at dummy ang mga queries ko tinutulungan ko lang po yung friend kong bibili ng second hand na oto na dummy ring katulad ko pagdating sa sasakyan :mrgreen:
Kung talagang di ka makakakuha ng maayos ang makina at body, mas okay kung kunin mo yung maayos ang makina. Mas madali kasi maghanap at mag ayos ng sira ng body kesa sa makina.
Di ka naman siguro kukuha ng oldskul na oto na pangit na pangit na ang body di ba?
meron binebenta kaibigan ko galant '86 (kasabayan ng lancer box type). ganda pa kaha and makina.. binebenta niya for 90thou ata.. di ko sure e.. makinis pa ito at kaya pa daw ng malayuang biyahe.. 1600 pa ang makina kaya di matakaw sa gasolina. pm mo na lang ako sir kung interested ka.