New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    118
    #1
    Share ko lang may kapitbahay ako dito na nakikipark lang ang kinaiinisan ko kasi kung lalabas ako ng garahe kailangan ko pa bumwelta ng ilang beses na dati rati eh isang bwelta lang para makalabas ako paano kung emergency? Nagmamadali. ok sana kung tapat ng bahay nila yun eh hindi balak ata punoan ng taxi nya yung kalsada namin mga bago pati wala pang mga plaka ang dinig ko itataxi ata yung mga unit na yun. Kahit isang fleet pa ang taxi niya ok lang basta may garahe.

  2. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    780
    #2
    ^ Sinubukan mo na ba sila kausapin?

  3. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,975
    #3
    sir baka naghahanap pa sya ng medyo malawak nga garahe pero nauna makabili ng sasakyang pan taxi...

    kausapin nyo na lang po muna ng maayos sa ngayon at ipaalam nyo yung punto nyo.

  4. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    118
    #4
    Kakuwentuhan ko rin yun dati ngayon bihira na kami magkita kasi bihira narin lumabas inuutos nalang sa driver yung pagtingintingin ng mga unit. Nangungupahan sila at yung bahay nila isa ang garahe tapos ung isa nakapark sa harap ng gate tapos yung iba nakakalat sa kalsada namin.

  5. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #5
    Nakakaburat nga yung ganyan, kapitbahay ko ganyan eh. Considering na hindi pa ganun kalawak yung daan namin and my gate opens forward, hindi paloob. Kaya talagang hassle. Problema pa, minsan tatlo tatlo sila naka park sa labas. Kasama bisita na isa pang hinayupak kung magparking.

    Once nga, nagpark yung bisita niya sa tapat ng gate namin. Hindi tuloy ako nakapasok sa gate, kailangan ko pa sila i-doorbell. Nagparinig ako, ayun todo ang sorry. Mukhang ugok kasi na walang pinagaralan e.

    Hindi ko naman sila kinakausap kasi for sure alam na nila ginagawa nila. Bilang ganti, isang gabi yung 2 kotse nila nawalan lahat ng side mirror. Nung nalaman ko yung balita isa lang nasabi ko ... " buti nga ", at dahil wala silang pera ( ewan ko ba dito, pagawa ng pagawa ng bahay -, bubong etc. etc. - ayaw ipagawa yung garahe sa likod ... ) yung 1 nilang kotse hanggang ngayon walang side mirror.

    Ewan ko. Siguro nakakaramdam na rin sakin na medyo naiinis ako kaya minsan malayo layo na nila pinaparada.

    Dapat sa ganyan, tinotow.

  6. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #6
    Quote Originally Posted by nubesuke View Post
    Share ko lang may kapitbahay ako dito na nakikipark lang ang kinaiinisan ko kasi kung lalabas ako ng garahe kailangan ko pa bumwelta ng ilang beses na dati rati eh isang bwelta lang para makalabas ako paano kung emergency? Nagmamadali. ok sana kung tapat ng bahay nila yun eh hindi balak ata punoan ng taxi nya yung kalsada namin mga bago pati wala pang mga plaka ang dinig ko itataxi ata yung mga unit na yun. Kahit isang fleet pa ang taxi niya ok lang basta may garahe.

    marunong lang mag-patakbo ng sasakyan mang-mang naman mag-park.

  7. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    336
    #7
    somehow theres a relation to this case...

    kung saan-saan na lang magpapark ang masama pa yun bang katabi na nya yun DRIVEWAY dun pa mismo sa harap ilalagay sasakyan nila...bad trips talaga...kundi ba naman manhid, walang pakialam, engot o hindi marunong magbasa pero sometimes dedma lang talaga...hihintayin ka pa bumaba sa sasakayan mo para lang sabihan sila na paki-usog lang sasakayan nila kasi nga driveway, hay mga hinayup*k talaga!!! kakainis... yun ba common sense eh naapakan yata kaya wala sila!!!

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #8
    [SIZE="4"]Maglagay ka ng NO PARKING, VIOLATORS WILL BE APPREHENDED...

    Tapos pag ganun pa rin kausapin mo at sabihin mo idudulog mo sa barangay, hindi kasi

    dapat nagpapark sa tapat ng driveway eh pwera na lang kung driveway nila yung

    pinagparkan nila...

    Pag ganun pa rin kuha ka ng water gun at lagyan mo ng brake fluid...then you know what to

    do next...
    [/SIZE]

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    301
    #9
    Ganyan din yung kapitbahay namin na may mga taxi..minsan di nga tapat ng drive way papark pero yung tail o front end naman naka usli sa drive way kung mag park...parang hindi mga nag aral..paano kung may emergency ka ng madaling araw? tatawagan mo pa sila o kakatukin...kapag sinabihan mo sasagot pa ng pabalang...sarap sabuyan ng brake fluid yung taxi nila...

  10. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    118
    #10
    Hindi ko kinausap pa kasi obvious naman po yung buntot ng kotse nya nakausli sa driveway ko, may malaki na po akong dont block the driveway sign. L300 van yung sakin diba obvious na malaki ang bubuweltahan ko. Pawisan tuloy ako pag lalabas at papasok ng garahe.
    Yung spot kasi na yun walang kotse yung may ari noon kaya inangkin na niya kahit mejo 200meters yung layo ng bahay niya. Accent na wala pang plaka sarap piso-han kaya lang trip ko yung oto na yun.

Page 1 of 2 12 LastLast
May Kotse walang garahe.