Results 11 to 20 of 54
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 31
August 21st, 2006 08:05 PM #11mawalang galang na nga po parang di kya ni tatang kumuha ng brndnew kc sa badget nya kahit na financing pa kuha na lang cguro kau ng mgndang unit kht 2nd hand para di sumakit ulo at bulsa di ba
-
August 21st, 2006 08:17 PM #12
try nyo tumingin sa http://www.buyandsellph.com madami dun mga vans na binebenta.
dito try nyo din >>> http://www.1800-philippines-cars.com...:&make=Hyundai
kung ako sa inyo second hand hyundai starex 11 seater na lang. kahit na kunin nyo ng hulugan mas ok kasi mas mataas naman ang hire rate nya.
wag nyo kalimutan magsama ng mekaniko pag tingin nyo ng bibilihin nyo. kung pwede idala sa gas station at ipaangat nyo at ma-inspect ang ilalim mas magaling. tignan nyo ang makina at transmission sa ilalim, pag may langis sigurado may tagas na ang gaskets at oil seals. pag madumi ang makina at transmission wag nyo na bilihin at ibig sabihin nun e palpak ang maintenance nung nagbebenta sa inyo. at open nyo yung oil filler cap habang umaandar ang engine. pag tumatalsik ang langis at malakas ang buga ng hangin sa oil filler cap blow-by na makina nun. iwas din kayo sa automatic at pang-hanapbuhay ang sasakyan nyo. mahirap masiraan ng automatic transmission so manual transmission ang bilihin nyo na unit. at i-test drive nyo, off ang sound system at open windows para madinig nyo kung may abnormal na tunog. i-drive nyo din sa lubak-lubak na kalsada para maadinig nyo kung meron na kalampag. mag-U-turn todo kabig ang manibela kaliwa't kanan, kung may sira ang steering tutunog yun. arankada tapos todo ng preno ng nakabitaw sa manibela para makita nyo kung may kabig ang preno at balanse ang steering.
isa pa, wag kayo masyado apurado bumili. tumingin kayo ng mga 5 ts bago kayo mag-commit. malay nyo makakita kayo ng mas maganda pa at mas mura.
pag ok na sa inyo (at sa mekaniko) yung unit, tignan nyo papeles, pa-stencil nyo ang engine at chassis number, at i-verify nyo sa crame para sigurado na hindi carnap.
-
August 21st, 2006 09:09 PM #13
Hindi nga kaya ni tatang ng brand new yung H100/Grace nga kukunin through financing magkano lang yun compared sa brand new.
Tatang kung kayo ho ang magmamaneho mas maganda para hindi malaspag agad ang sasakyan mo yung iba kasing driver walang pakialam sa sasakyan takbo ng takbo, nakikipaghabulan, biglang preno, biglang arangkada lalo na yung mga bata pang driver yan ang mas dapat iwasan.
Kung kaya mo hong i-cash out yung H100/Grace the better kasi wala ka ng iisipin kundi yung pang maintenance mo na lang.
Ang maghapong kita pala ng mga kakilala ko (school days) nasa 800-1200; sabado-linggo 800-1000; pero may malas ding araw minsan nga daw 35 pesos lang naiuwi nila pero nakapag full tank na sila.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 149
August 21st, 2006 09:20 PM #14
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 9
August 22nd, 2006 05:34 PM #15naku, nagulat ako sa mga payo nyo mga iho. napakalaking tulong ang mga naging payo nyo. maraming maraming salamat! tama kayo, wala talaga akong malaking halaga pang bayad ng bagong sasakyan. dito ako sa prubinsya papaarkila at babyahe.balak ko financing lang ng h100 para may matiira pa akong pangpa-ayos ng kaunti, gaya ng sa aircon. ano kaya mga papeles ang matatanggap ko pag ganireng financing?
Maraming salamat din dito sa TSIKOT at maraming natutulungan na kagaya ko. Mga iho, uulitin ko pasasalamat kongmuli!
-
August 22nd, 2006 05:54 PM #16
Hindi naman po sa nililihis ko ang usapan, pero balita ko po sa probinsya magandang negosyo ang nagpapaupa ng Videoke machine. May bayad na yung pag-arkila, minsan may bayad pa din kada-kanta depende sa inyong usapan.
Pero pabor din ako sa rent-a-van ni yebo basta kayo po mismo ang magmamaneho.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
August 22nd, 2006 06:11 PM #17
suggestion lang ho hindi ko den nililihis ang usapan.
Tatang kung madami sasakyan sa inyo private lalo na nakapalibot ang mga subdivision sa inyo ang suggestion ko po ay magtayo kayo nang car wash maliit lang po puhunan at sigurado den po kayo may kita.
Gandahan nyo na lang ho serbisyo at dagdagan nang mga pwede pa pagkakitaan dun katulad nang pagkain at videoke habang naghihintay sila.
suggestion lang po
-
August 22nd, 2006 06:36 PM #18
Masyadong mahirap pag brand new. Ang usual na payment scheme pag brand new, considering na 200,000 pesos ang downpayment ay lampas 20,000 kada buwan. Yung isang pinsan ko may guaranteed line at weekly trips siya, pero pag minsan, sapat lang sa pagbayad ng monthly ang kita niya. Para umabot ka sa 20,000 kada buwan, dapat 5-6 na lakad kada linggo ang gagawin niyo.
Kung secondhand, okay naman ang Hyundai Grace, marami na ring parts para dito, at kung marunong ang mekaniko, marami ding piyesa na galing Japan ang kasya. Okay din ang L300, pinakamadaling alagaan, pero medyo mahal pa ang secondhand niyan, at usually mga 10-15 years old na yung mga under 200,000 na available.
Pero tama yung isang suggestion sa taas... dapat kasama ka sa isang grupo para mas madalas ang mga trips. Kung ikaw mag-isa, medyo mahirap maghanap ng customer.
Ang pagbalik ng comeback...
-
August 22nd, 2006 06:46 PM #19
baka may makita po kayo dito:
http://entrepinoys.blogspot.com/
also i-consider din nyo po ito:
http://www.dti.gov.ph/contentment/66/69/675.jsp
All BMBEs shall be exempt from income tax for income arising from the operations of the enterprise.
The LGUs are encouraged either to reduce the amount of local taxes, fees and charges imposed or to exempt the BMBEs from local taxes, fees and charges.
-
August 22nd, 2006 08:38 PM #20
yung uncle ko sa zambales van-for-hire isa sa business nya, walang araw na bakante at madami umaalis papunta airport nagre-rent ng van. lalo na pag pasko saka summer, dami balikbayan saka pumupunta sa beach.
sugestion lang na sideline tatang kasi sabi mo sa probinsya ka, baka meron ka kahit maliit na lote lang, try mo hito (catfish) production. pagawa ka lang ng pond. huwag yung hukay at magpapahukay ka pa. hollowblocks mga 4-6 na hollowblocks ang taas parang mababa na kulungan ng baboy, tapos sementuhin mo din ilalim manipis lang 2 inches. bili ka water pump para sa aerator at filter. yung aerator e bale pipe lang yun na nag-spray ng tubig dun sa pond para bumula, tapos yung filter e drum na may mga butas sa tabi lang at puno ng bato saka buhangin kung saan sumisipsip ng tubig yung pump. ang catfish fingerling (2 inches ang haba) ay P0.80/piece. syempre may pagkain yan na bnibili. pero pag nag-harvest ka laking kita at P120/kilo ang pakyawan nyan. ingat lang na yung kukunin mo na fingerling ay dapat parehas ng laki. kung may mas malaki kasi ay kakainin nila yung maliliit mabawasan ang i-harvest mo. maliit lang na lote kelangan mo dyan. yung kasama ko yan ang sideline. sa lumang swiming pool nya nilagay, 7 meters x 15 meters lang yung pool at 1 meter lang ang lalim ng tubig. kada harvest nya (every 3 months, average 3 hito/kilo) P100,000 ang kita nya.
bale daily bread mo yung van-for-hire, pang-payaman naman yung hito. o di ba!
Hello po. Buhayin ko itong thread on L300 and to give my experience with the 2020 Mits L300 and ...
[2020] Mitsubishi PH L300 recall (seat strap)