Right side mirror ng XUi ko ninakaw sometime March this year. Masasabi ko na 'yong side mirror ng Crosswind lalo na kapag power mirror ay isa sa mga mahirap tanggalin. I've seen the assembly nung ninakaw nga 'yong salamin.

Dahil secured 'yong salamin, nasira 'yong motor or actuator sa loob, tingin ko nabasag din 'yong salamin nung sinikwat. Take note meron na akong super sensitive alarm na nun, pero ala ninakaw pa rin.

Tumawag ako sa kasa, di daw sila nagbebenta ng salamin lang, tinanong ko kung magkano ang right side mirror assembly, 10,000 daw. Lang hiya mahal pala nun.

Ayon napilitan akong bumili sa Banawe, P550, kasama na 'yong plastic actuator.