San ba nakakabili or nagpapa-fabricate nito? Para siyang "cage" for the sidemirror and is secured by padlocks.
I've seen this on some vehicles na sa sidewalk lang naka-park. Parang pinapa-fabricate lang sa mga welding shops pero nung nagtanong ako sa suking welding shop ko, di raw sila gumagawa nun.
Bad trip kse pang-isang kotse lang yung garahe namin so yung isa naming Corolla AE111 sa tapat lang ng bahay nakaparada. Dati laging takip lang ng hanginan ng gulong ang napipitik sa akin (kse siguro laging may-cover yung oto), ngayon naglakas loob na siguro si mokong, inangat yung car cover at pinitik yung dalawang side-mirrors ng Corolla!
Itong "cage-type" na protector na lang ang naiisip ko kasi kahit magpa-etch ako ng plate number sa side-mirror, baka pitikin pa rin kse kung gabi di niya mapapansin na may etch na ng plate number yung salamin.