pucha vhenok ikaw ang masarap kasama sa land trip . alam na alam yung mga daan. madalas ako sa bicol dati, pero di ko ganyan ka-alam yung mga bayan na dinadaanan. basta ang hindi ko malimutan lagi akong muntik maubusan ng crudo sa Quirino Highway na yan, andalang ng gasolinahan.
convoy-tour natin minsan ang dulo-dulo ng 'pinas, tapos gawa tayo ng cofeetable book, he,he.
wildthing, may advantage ba yung rutang davao-kidapawan via gen san? balak ko talagang magpunta sa gen san, pero pag settled na ako sa kidapawan. pero kung ok ang rutang via gen san, daanan ko na rin. mura daw ang sashimi dyan sa gen san, adik din kasi ako sa hilaw na yellow fin.