IMO, gahaman yang SA mo. Sa dami ng nabenta niyang unit sa inyo sana naman sinuklian niya yun sa pamamagitan ng freebies/extras sa yo. Dati nakabili kami ng 3 sasakyan within 5 years sa iisang SA lang at marami kaming narefer sa kanya. Kaya nung sumunod na kumuha kami sa kanya, ang daming freebies at napakasmooth na ng transaction. Halos wala na kaming pinag-usapan dahil alam na niya kung anong mga gusto namin (financing terms, tint brand, matting/seatcover type, etc.).

Yung additional charge naman sa plate ending, depende yan kung anong buwan mo nakuha yung auto at kung anong ending ang gusto mo. Gaya nung isang kaibigan ko kumuha ng sasakyan nung February pero ang gusto niyang ending 5, e ang registration good for 3 years na so dapat hanggang Feb 2009 lang pero kung ang last digit 5 e di May ang rehistro nun. Nacharge tuloy siya ng additional 3 months registration para sa May 2009 na ang expiration.