New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 21 to 22 of 22
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #21
    1x1 ang picture?? diba digital na ang picture sa LTO ngayon.. pag 1x1 ay di halatang halata yan..

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    12
    #22
    I share ko experience ko kasi dati nanghingi din ako ng tips dto sa tsikot.

    Nakuha ko nonpro license ko last august. Yung student permit ko mageexpire ng aug 26 eh kaka 17 ko lang nung 15 so nung 25 pumunta ako ng bir sa amin at kumuha ng TIN (importante yun) at nagbyahe ng lto ng matagal (taga dasma ako yung bir sa trece at yung lto eh sa tagaytay ). Dumating ako sa lto ng after lunch at kumuha ng application form thinking makakapagapply ako. Pinakuha ako ng medical(100 petot) at drug test(300 petot) sa malapit na clinic dun. Yung drug test eh ihi lang tpos magfifingerprint scan ka. Yung medical naman eh walang kwenta yun. So nung ipapasa ko na mga requiremnts ko, bgla akong nashock ng nasabi cutoff na daw sila first 40 lang daw ang tinatnggap nila ng kumukuha ng license. So damn, nabwisit ako kasi last day na ng student ko kinabukasan eh may klase kami nun at take note Midterm exam pa. So nakiusap ako dun sa lto na pwede isingit ako kahit maglagay ako ng alam nyo na un. Pero wala talaga ayaw nila pumayag (gulat kayo no?). So wala talaga akong choice kung hindi umabsent at pumunta ng LTO kinabukasan. Pinag sabihan ako nung mama na maaga daw dapat ako mga 5 daw ako pumunta kahit 8 sila nagbubukas kasi mahaba ang pila. Tinawanan ko lang at sabi ko masyado naman exaggerated yun. So kinabukasan 4 am ako umalis ng dasma at mga 5:45 am ako dumating at bigla akong na surprise ng makita ko ang haba na ng pila siguro mga lagpas 50 na, sa isip isip ko totoo pala yung sinabi nung mama. Grabe talaga ang kaba ko na hindi ako umabot ng cutoff eh last day ko na. Sinuwerte ako kasi pang 41 dapat ako buti na lang may 2 la may mali sa requirement so pang 39 ako (muntikan na ako hayss). So ayun afternoon session daw kami ng seminar at exam. Bago kayo mag written exam mag seseminar at bibigyan ng folder na may mga lecture. Maganda naman yung lecture may mga tinuro na di ko alam at yung exam eh madali lang. Yung practical naman magbabayad ka ng 250 para idrive ang brand new suzuki alto pero di na ako pinagpractical kasi tinamad na sila. Bayaran ko na lang daw yung fee at dumiretso na ako. so mga 5'oclock ng hapon ko pa narecieve yung license ko. Di ko malilimutan yung experience na yun hahah dami kong naging friends na mga older generation dahil sa experience na yun haha.

    So ayun ang tips maaga kayo pumila kasi may mga cutoff din ata yung ibang lto.

    Ang haba nun ah. sorry hahahaha moment ko magkwento.

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Experiences/Tips getting a Drivers License