Any tips here? I'll be heading to LTO tomorrow to convert my student permit to non-pro. So far dami ko na naging problem, 1st problem, sinamahan ako ng bayaw ko saying ok "palakad" dito, so ayun palakad naman kami. Maghapon kami naghintay, walang nangyayari, yun pala gumagawa na ng fake na lisensya, so in the end, nagbayad kami ng mahal dahil sa fake na lisensya, tinapon ko na yun.
2nd try, kaninang umaga, letseng fixer yan, inisnab ko na, diretso ako sa loob ng LTO, sa gate tinuro ako sa mga table for drug test at medical exam, kaso ang mga iyon eh sa labas ng LTO east ave. So drug test, then med exam, then dinala ako sa isang table at di ko alam kung ano, hinihingan ako ng P1,800 at ginawan ako ng application form. Sabi ko sa loob ako magbabayad, hindi sa kanila, ayaw ibigay yung mga papel ko, nagkasagutan, pinabayaran na lang sa kin yung application form ng 100 petot, binayaran ko na lang para makausad na. Nagtataka ako at bago isoli sa kin yung papel ko eh kinuha yung Name ko at Yung student permit number. Ngayon di ko alam kung anong gagawin nila sa permit no. ko
Banas na ko, letseng mga fixer to, ayaw akong tigilan. Bukas babalik ako para i-try ulit, this time loob kagad ng LTO ang pupuntahan ko dahil may drug test na ko at med exam. ang di ko lang alam kung bakit kinuha nung fixer yung name ko at student permit no. nakasagutan ko kasi yung babae, pede kayang harangin ng tao nila sa loob yung application ko?
May madadagdag pa ba kayong tips/experience? Gano ba kabilis kung mag start ako ng 8am ng umaga?