Quote Originally Posted by pastelrei View Post
Warning: newbie po kaya pasensya na sa tanong

Sirs, I am just learning to drive. My brother is teaching me and I have also taken a few hours in a driving school. My main problem is in hanging (as in nasunog na yung clutch kakapractice ko ). Sabi lang ng brother ko timplahin, which is nahihirapan ako, laging umaatras or di kaya namamatay. So I went to a driving school. Kaso po I had 2 different instructors and used 2 different cars.

Yun pong Altis, kapag working level na ang clutch eh umuusad which I found easy to drive kasi hindi po ako umaatras sa hanging and madali pagapangin sa traffic. My instructor in that car told me (during hanging) to release the clutch to working level, release the foot brake, then step on the gas.

Yun naman pong Vios kailangan ng konting gas before I raise the clutch bago umusad, which nakasanayan ko naman. Even so, kaunting apak lang sa gas during hanging eh nagfoforward naman so inches lang inaatras ko. Kaya sabi ng instructor ko dun is step on the gas before releasing the clutch.

Yun naman pong Picanto (my car),like the Vios, i need to step on the gas before releasing the clutch kaso po during hanging hirap talaga ako, todo atras nangyayari or di kaya namamatayan. And napansin ko po sa clutch ng Picanto ko, at the working level, parang biglang wala yung friction so tumataas ang paa ko kaya ayun patay! Kapag below working level naman atras na may halong amoy sunog.

I really liked driving the Altis. Is there a way to adjust the clutch of my Picanto to behave that way? Or depende din po ba yun sa engine ng kotse? And ano po ba ang ideal na working level ng clutch, lower or higher? And ano po ba best practice sa hanging without using the hand brake? Gusto ko po kasi talaga matuto without relying on the hand brake because we'll never know baka bigla di kumapit (which I experienced kapag sobrang inclined na ang road sa Antipolo).

Thanks in advance mga experts!
Iba iba kasi ang sasakyan.

Ganyan din ako sa simula, Talagang yung rebolusyon ko umaabot ng 4k rpm bago ko ma-release yung clutch sa takot ko umatras or mamatayan.

Praktis lang ng praktis. Iba iba yung mga sasakyan, Minsan delayed ang pedal yung iba onting apak lang galit na galit na.

Yung timpla mahirap sa umpisa pero pag na praktis mo na kahit sa isang sasakyan lang, Kahit anong sasakyan pa gamitin mo sisiw na lang.


Praktis lang, Mas maganda sa masikip na trapik.

#1 rule: Wag kabahan. Wag kabahan kung mamatay makina or aatras.
#2 Wag pansinin kung binubusinahan ka.
#3 Enjoy driving. And drive defensively.

1-2 weeks of practice and your good to go.