New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 91

Hybrid View

  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,305
    #1
    Sa loob ng gate dati practice ako ng atras abante...na atrasan ko kulungan ng aso namin kaya yon 1st and last(sana) na accident nangyari sakin na gamit kotse.

  2. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #2
    noon, sa sobrang ngatog ng paa ko nung nagaaral ako magdrive, nakayapak lang ako. pero unti unti ko naman nagagawang mawala ang pangangatog ng paa ko

  3. Join Date
    May 2009
    Posts
    4
    #3
    ako naman...haha...very funny topic...new driver lang din...last January lng ako nag-aral...nabili na nga un car, di pa ko marunong magdrive =P, 1st car ko un. Student license pa.

    Morning after madeliver un car, tinest drive ko na (kahit di marunong), may go signal naman ni Mommy...iatras abante ko raw. so un ginawa ko..I drove up one block lang naman with the side mirrors folded. kasi natakot ako sumabit e. I saw side mirrors then as hazard...sabi ko pa, ano ba talaga use nun e sasabit lang naman...un tpos may liko na, di ko na alam pano mabalik...so lumabas na ako at nablank...di ko na alam un next na gagawin e, paglabas ng mom ko, tinawag niya na ung neighbor namin, siya na nagbalik, tapos natawa sila sa ginawa ko...haha, ciempre, nakitawa na lang din ako.

    ang lakas ng loob ko noh!

    1st real drive ko sa admu. maluwag kasi pag walang pasok...di pa mahigpit ang mga guards...Nagpaturo lang ako sa friend ko kasi nga iba pag family member ang nagturo...puro bad words abutin mo...at mas nakakakaba...

    Full turn sa parking lot..walang lane lane...haha...barefooted din ako kasi nga galit sa gas...impatient pa'ko..kaya lumipat kami sa boni high..ang lakas talaga ng loob..try lang ng try...ayun, nikain ko na ung lane ng isa pang yaris! Puro beep beep inabot ko! Haha! 1st real drive un! kaya thanks sa teacher ko! =D

    Ang aga ng mga experiences ko..parang personal blog na nga toh..haha..wala pang 1 month, nabangga ko na...di pa ok mgdrive, nagsolo na..aun, inabot ung nakapark na car...(e ang dilim e!) dun ko lang na notice na, pacurve pa la ung body nito sa rear...Nakabangga na rin ako ng tao nung pinagdrive ako sa laguna, pero dumikit lang naman ung side mirror sa siko ng traffic aide...ayos noh! my license na ako nun..so don't worry! haha

    after 2 months naman, pumunta kami ng pier, MV Doulos, map lang ang dala ko...sabi ko sa dad ko alam ng officemate ko un papunta dun para lang payagan ako...ayun ok naman...nung pauwi, nauna ung brown uniform(TMG)...muntik na...un blue, ayun, nayellow lane ako..what was I thinking! dumaan ako sa pink fence, kahit feeling ko may mali..pero ciempre iniyakan ko na si manong mmda...salamat! nakita naman na bago license ko..2 mos. pa lang..kaya ayun I went home ticketless!


    grabe talaga! di pa ako magaling na driver pero so far, ok naman...

    Napansin ko lang ng nag-aaral ako, eto un order ng obstacles I tackled:

    1. Lanes - pag estimate if my car is on the right lane ( dati un side mirror niset ko nakita un white lines at body ko, un ung una ko ginawa para matancha un lanes, tapos nicorrect lang ni Kuya, sabi nya, ano mas importante, kita mo nga un katawan ng kotse mo, di mo naman kita ung mga paparating na kotse sa likod mo)

    2. Turns - nun fist time ko, two hands ang liko, tapos abrupt...un parang ikaw naghahabol sa steering wheel.

    3. Parking - medyo ok lang naman toh...pero di pa ko expert

    sige i'll park
    my fingers na..sleepy na din! good luck sa work bukas!

  4. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    113
    #4
    ako naman natutu ako nung 16 palang ako, alang nagturo sakin nun,...nakikinig lang ako sa papa ko habang tinuturuan nya si mama,tsaka natuto din ako sa mga sigaw ni papa nun kasi nagsisigawan silang dalawa sa kotse eh..hehe...ayun dun lang ako natuto, tapos konting apply lang ng common sense...nagpraktis nako dun sa garage namin, atras abante lang..actually parang mas marunong nga ako sa mama ko eh, ang hirap kasi sya turuan......pero ngayon ayaw pa ko pakuhain ng license, pag 18 nalang daw....masaya ako kasi mag 18 nako eh .

  5. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #5
    nagumpisa ang interest ko sa pagdridrive nung ang dala pa na sasakyan ni erpats eh lumang fj40 land crusier. lagi niya ko kinakandong sa lap niya. that time, 4 years old palang ako. pinapahawak na sa kin noon ang manibela pero nakaalalay siya noon. tapos yung mga nasa arcade na rides, pinapatulan ko at tuwang tuwa na ko noon, na feeling ko, ako na ang driver. hindi naman ako nagsabi na gusto ko magdrive pero si erpats na ang nagkusang turuan ako ng basics. i remember, grade 1 or 2 ako noon, pinapastart na sa kin ni erpats ang fj40. since manual tranny yun, tinuro nya sa kin na dapat ganito ganyan ang pagstart. so ayun, konting practice pa at hanggang sa ako na ang pinapastart ng sasakyan every morning bago ako ihatid sa school.

    grade 4 ako nung una ako turuan ng tuluyan ni erpats sa pagdrive, nissan pick up na ang sasakyan namin nun. natakot ako kasi palagi ako namamatayan ng makina. paikot-ikot lang kami noon sa place namin. dun din nya ko tinuruan ng shifting. 2nd try ko, nakaabot na ko sa 4th gear, sabi ko mukhang mabibilisan ako matuto magdrive. pero hindi pala, kasi nahinto ako sa pagdrive. ang naging practice ko nalang eh ang paglabas-paosk ng sasakyan sa garahe. 4th year high school na ko nung nakahawak ulit ako ng manibela at dun, sobra ang kaba ang nginig ng paa ko na nagdridrive ako ng barefooted. sige lang practice ko nun hanggang sa nawala at pinakuha na ko ng student permit. after 3 months ko hawak ang permit, kumuha na ko ng non-pro pero hindi pa rin ako pinapayagan magdala ng sasakyan.

    just two years ago lang niya ko pinayagan magdala ng sasakyan, yung fx namin, just after maipasa ko ang board exam ko. then just half a year after nun, binili na ang una kong sasakyan at dito na ko naging full pledged driver ng pamilya, ng tropa, at syempre ng mga dinadate ko

  6. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2
    #6
    Di ko alam kung nasa tamang thread ako.

    Mga 3years na din mula nung natuto akong magdrive, kaya lang sa A/T yun, ngayon magpapalit na kami ng car M/t na sya.

    mahihirapan ba ko mag M/T kahit na may experience na ko sa pag drive?

  7. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    197
    #7
    Yes sir mahihirapan ka. pero sa pag papatakbo lang kase im sure mamamatayan ka nyan kase you dont know how to release clutch pa at bigay gas kung galing ka sa AT. lalo na sa hanging baka umatras ka kase titimplahin mo clutch at gas mo. pero dali lang yan sir pag aralan mo lang timpla ng clutch at gas. atras abante ka lang muna

Basics of Driving. Experiences nung "totoy" pa kayo sa driving.