Sa housing ba tumama yan dahil sa bearing failure(misalignment) o may foreign material nkpasok?
Honeywell din pla gamit ng ford.
Posted via Tsikot Mobile App
2 weeks sa casa unit ko matagal na nangyari to Feb 8, 2014 hindi kolang pinost kagad kase 1st case palang daw sa new T6 dito sa pinas akala ko factory defect lang ayaw ko sana makasira sa ford, planta ang naghandle ng unit ko hindi casa at 15k kilometers 6months old palang sakin nung time na un and hindi abuse paggamit ko pure expressway lang tanauan to nicols lang kaya nagtaka ako bakit nasira kagad turbo ko Lemon pala turbo natin 😊😊😊
Mukhang sa housing nga tumama, oil deprivation sa bearings. Another cause kasi na pede madeform ang blower is ingress ng foreign objects like dirty air filter kaya nag errode yung alloy. Ano kaya corrective measures ng planta, bka kulang sa pressure ng oil or wrong grade of oil? Ang mahirap kasi nyan yung recurrence, bka matapat off warranty na instant P120k yang turbo.
Posted via Tsikot Mobile App
So inaamin na pala ng ford and mazda na defective turbos nila. Yung sa 3.2 bt50 ko palit agad sila ng turbo wala na pahirapan pang usapan.
Last edited by yebo; September 14th, 2014 at 10:11 PM.
anu kaya cause bakit sumabog yun turbo?
factory defect or low quality?
As per description dun sa FB, spewing smoke. Indication na bearing problem dahil pumapasok na ang langis either sa combustion or exhaust. Sasabog ang turbo kung misaligned then yung fragments kung maswerte pede tumagos sa intercooler, then goodbye engine na.. Kaya palit din dapat IC kasi tatamaan ng fragments yung core eventually mag le-leak.
So who amongst the tsikoteers here have actually checked kung nag wiwiggle at erroded ang fins ng turbo?
Yong isang co-member namin sa Santa Fe club, meron din syang 3.2 ranger na nag rupture ang turbo.
Napalitan ng naman daw ng Casa tapos binenta na nya agad.
Nag post pa sya ng pic na nagkalat yong mga turbo parts sa engine bay nya.
Dapat upgraded version n ng ipalit nila kundi recurring problem yan.
Nakaka disappoint na mga nababasa ko dito sa ranger ah..tsk tsk,nagiipon pa naman ako para sa wildtrak 3.2Lsayang ang porma at irresistible stance ng ranger kung palyado naman pala ang makina..
Maayos din yan mga issues na yan, lahat naman ng bago ngayon may issues. Kelangan lang yung owners maging proactive sa pagreport.
Posted via Tsikot Mobile App
Pag maglabas ang toyota ng 200hp na hilux pupusta ako madaming t6 at bt50 ang mabebenta sa 2nd hand dealers, isa na sa akin dun! I like my ride but nakakainis lang na 6000km pa lang tinatakbo napalitan na ng turbo. Lagi na lang yan nasa isip nating mga owners, paano na pag wala na sa warranty at masira ulit?
Are they installing the upgraded version of the turbo already? Kasi kung recurring lang paktay nga yan after warranty. Buti pa si BT50 I bet di mahirap magpapalit dahil sa yojin3.
Hihintayin mo pa ba yun sumabog ulit turbo mo? Yung sakin binenta kona kagad mataas kopa nabenta 1,490,000 mas maganda sana handling ni wildtrak pinalitan ko muna 4x4 navara pinaka malambot riding ng navara sa lahat ng pick up na nasakyan ko and hindi magpapahuli in terms of karera nilang dalawa, wag lang 4x2 navara matigas riding 😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆
Siguro karma sa mga ford stealerships yan mga sir yung kinita nila sa D.I. nababawi naman sa reputation ng binibenta nilang ford ranger. We gave them a chance to be on top pero pagdating ng japanese counterparts ng ranger mawawala rin sales ng ranger.