last month ba or nung august naisip ko kumain ng lamb na madami. So the most affordable to eat lamb eh sa buffet. Kaya pumunta ako vikings sa sm north pero nagcommute ako dahil coding kotse ko. Hindi na ako nag-risk kasi hinid ko na territoryo jan hindi ko kabisado pasikot-sikot. And matatrap ako sa major roads madami mmda.
So sumakay ako LRT-2 tapos transfer sa MRT. Pag punta ko ng vikings eh pangit na yung lamb lasang luma na. Pero for 750pesos eh pwede na din naenjoy ko naman yung seaweed noodle soup.
So nung pauwi na ako eh hindi ko naabutan yung MRT kasi hangang 9:30pm lang. Kaya next best option is edsa bus carousell. Mas efficient na sya kaso ang baho talaga ahmoy ng diesel. Tapos ang pangit lang pag bumaba ka ng cubao eh ang layo bale lagpas pa ng p.tuazon sa main avenue so nilakad ko yun pabalik ng aurora boulevard. Tapos sumakay na ako ng jeep na napakasikip tapos nakatingin mga tao sa akin akala chinaman ako tapos bigalgn nagtagalog na bayad nga.
