Single
Married
Other (specify)
Hanggang ngayon hati pa din iniisip ko sa pag-aasawa..
Masaya ako na hindi ako nag-asawa ng maaga kasi selfish ako sa freedom ko at immature pa ako.. Feeling ko 90% mapupunta lang sa failed relationship..
Pero ngayon na tingin ko mas mature na ako mag-isip at ready na ako i-compromise freedom ko ang hirap naman humanap ng life partner.. [emoji28] ang dami na naiisip na factors..p
Sa marriage, ang pinaka-mahirap yung 1st 2 years (more or less). Dyan maglalabasan mga ugali. Ang nakakagulat nyan, yung maliliit na bagay ang napupuna. Minor irritations na lumalaki. Hindi nagpapatay ng ilaw o tubig, pag flush ng toilet, burara, makalat sa damit. Kung mature ka, eventually malilipasan ito. Kung hindi, sumbatan.
May friend ako, babae. Nadidiri sya sa husband nya kasi pagka ligo, tinatapat yung paa sa bintilador. Yung isa naman, maingay daw kumain yung asawa.
Sent from my iPad using Tapatalk
i guess that's why they made it difficult to get out of a marriage para mapilitan mga tao mag adjustSa marriage, ang pinaka-mahirap yung 1st 2 years (more or less). Dyan maglalabasan mga ugali. Ang nakakagulat nyan, yung maliliit na bagay ang napupuna. Minor irritations na lumalaki. Hindi nagpapatay ng ilaw o tubig, pag flush ng toilet, burara, makalat sa damit. Kung mature ka, eventually malilipasan ito. Kung hindi, sumbatan.
May friend ako, babae. Nadidiri sya sa husband nya kasi pagka ligo, tinatapat yung paa sa bintilador. Yung isa naman, maingay daw kumain yung asawa.
Hindi naman ako madali ma-turn off.. Ugali ko na bata palang ako na ang isang pagkakamali ay hindi sukatan para i-judge ang buong pagkatao.. Mapag-patawad ako, pero alam ko kapag sinasadya na at sinasamantala na pasensya ko..
Nung bata pa ako, madali ako mag-sawa sa repetitive na cycle.. Hindi ko rin ugali manuyo kapag nagtatampo.. Lalo na ayaw ko ng binabawalan ako..
Ngayon mas na appreciate ko na yung may habit kahit paulit ulit.. Hindi na sya boring, kahit sawa na ako ginagawa ko pa din dahil hindi na para sakin.. Para sa kaligayahan na ng taong mahalaga sakin.. Marunong na rin ako manuyo, hindi na kasi question dun kung sino ang tama at mali.. Kung paano magkasundo at magkaintindihan para ma-set ang boundaries.. At ngayon, gusto ko na binabawalan na ako.. Hahahahahaha [emoji23] Baligtad, ngayon ko lang narealize na out of care pala yun..
Yung relationship ko din sa friends nag-evolve.. Marunong na kami mag-adjust sa topak ng isa't isa.. Hindi na issue yung nakakainis na ugali kasi tanggap mo na kasama yun sa package ng personality ng friend mo..
Iba na talaga kumpara nung bata pa ako.. Puro ako lang, ngayon package na.. Kung ano yung para satin..