New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    1,382
    #1
    UHAW - Union of Husbands Afraid of Wives


    The foreign chapter of the fraternity of husband composed of:

    YUKUSA (Yuko sa Asawa)
    SANSUWI (Isang Sutsot, Uwi)
    UTIN (Unyon ng mga Tatay na Inaapi ng mga Nanay)
    When you say: "Ako ang tigas sa amin."

    You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin, tigas-sampay ng labada at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."

    When you say: Kapag sinabi kong hiwalay, HIWALAY!"

    You really mean: "Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada."

    When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw/"

    You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan."

    When you say: "Ako ang laging nasusunod!"

    You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa palengke."

    When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"

    You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"

    When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!"

    You really mean: "'Ling naman, mura lang naman iyong sapatos na bibilhin ko!"

    When you say: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!"

    You really mean" "Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong basahin."

    When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!"

    You really mean: "Paluhod niyang sinabing 'Hoy duwag, lumabas ka riyan sa ilalim ng kama kungdi tatamaan ka sa akin!"

    When you say: "Hindi niya ako kayang paglabahin!"

    You really mean: "Hindi puwede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa."

    When you say: Mag re-report ako sa GHQ (General Head Quarters) to your friends.

    You really mean: Wife calls/txt and says "GO HOME QUICKLY" or else!

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #2
    When you say: " Lahat ng ayaw niya ginagawa ko."

    You really mean: " Pag ayaw niyang maglaba, ako ang maglalaba, pag ayaw niyang magluto, ako ang magluluto."

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #3
    Quote Originally Posted by mikaztro
    UHAW - Union of Husbands Afraid of Wives

    When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
    nakukuha ko naman talaga siya sa isang salita eh.

    [size=5]YES (DEAR)[/size] :bwahaha:

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #4
    buti wala pa ako diyan, haha.. bata pa ako :D

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    330
    #5
    included din ba ito dito???

    "what mine is yours, whats yours is still mine"


  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #6
    Quote Originally Posted by V-dub*chic
    included din ba ito dito???

    "what mine is yours, whats yours is still mine"


    di ba..

    "what's your is mine and what's mine is... well, still mine of course."

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #7
    saan ba pwede sumali as member and how much ang membership fee? teka, hindi kaya ang tatanggap ng membership fee e yung wife pa rin? :bwahaha: :hihihi:
    Signature

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #8
    Quote Originally Posted by boybi
    saan ba pwede sumali as member and how much ang membership fee? teka, hindi kaya ang tatanggap ng membership fee e yung wife pa rin?
    Proud na proud si kuya boybi ah..

    Sasali na agad!

  9. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    604
    #9
    bat ako hindi pa kame kasal bat parang member nako?? :confused:

  10. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    690
    #10
    may ka alliance yan na frat e, Pambansang Unyon ng mga Kalalakihang Inaapi

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #11
    Quote Originally Posted by wrecker
    may ka alliance yan na frat e, Pambansang Unyon ng mga Kalalakihang Inaapi
    aba kapag medyo naging active ka dyan eh sasabihin ng misis mo, "panay na lang **** iyang inaatupag mo!!..."

  12. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #12
    mukhang ang hirap pala mag ka asawa :D

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #13
    hehehehehe ok ah. pero di ako kasali dyan :D

  14. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #14
    Wag ganyan. Tayo ang nasusunod.
    Kung ano ang ayaw ng asawa natin yun ang gawin natin... para makita nila hinahanap nila...

    kung ayaw nila maglinis...eh di tayo maglinis,
    kung ayaw nila maglaba...eh di tayo maglaba,
    kung ayaw nila magluto...eh di tayo ang magluto.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,107
    #15
    Ako ang TIGRE ng tahanan!!!!!

    Nakay misis yung latigo

  16. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,540
    #16
    hehehehe... okay to ah! kakatakot pala magpakasal.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #17
    hehe, baka kasi meron makuhang tips sa mga members ;) :bwahaha:
    Signature

UHAW - Union of Husbands Afraid of Wives