New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 21 to 28 of 28

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    I saw this on GMA News, ikinasal sina "Erika" & "Shakira". Nak ng.....parehong lalaki!

    Mas malaki pa yung "bride" kaysa groom.



    http://www.abante-tonite.com/issue/s...ews_story6.htm



    2 Lalaki Ikinasal sa Quezon City

    Posibleng pagmulan ng panibagong debate tungkol sa same *** marriage sa Pilipinas ang ginawang pagpapakasal ng dalawang lalaki sa isang simbahan sa Quezon City ikinasal ang dalawang magsing-irog na itinago na lamang sa mga pangalang “Erika” at “Shakira” sa Metropolitan Community Church sa Project 6,Quezon City dalawang linggo na ang nakakaraan.

    Kinumpirma ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza ang same *** marriage at sinabing kasama siya sa mga ninang na kinuha ng dalawang nagpakasal.
    Nabatid na si Erika ay pastor sa nasa bing simbahan at disente naman umano ang kanyang napangasawa. “`Yung isa sa kanila happened to be my friend at kinuha akong isa sa kanilang ninang,” ani Maza. Ikinasal umano sina Erika at Shakira sa harap ng kanilang Church bishop na nagngangalang Bishop Martin, na isang dayuhan.

    Aminado si Maza na hindi legal ang naganap na kasalan sa pagitan nina Erika at Shakira at labag ito sa Civil Code of the Philippines kung saan ang kasal ng lalaki at babae lamang ang kinikilala. “I know naman na hindi valid ang kanilang kasal, pero being an advocate for the right of the Third ***, pumayag ako,” dagdag pa ni Maza. Ibinunyag pa ni Maza na kasama sa mga ninang ay isang seminarista sa isang theological school sa bansa.
    “That is something spiritual. Inilalapit nila ang kanilang union sa Higher Being,” ayon kay Maza kaya dapat umanong igalang ng lipunan dahil mayroon naman aniyang freedom of religion sa bansa. Para kay Maza, walang immoral sa nangyaring kasalan ng dalawa na pareho ang kasarian dahil mas hindi katanggap-tanggap umano ang mga taong gobyerno na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan.

    “Sino ang mas immoral, ang mga magnanakaw dyan sa gobyerno o ang dalawang nilalang na pinabasbasan ang kanilang kasal kahit pareho sila ng kasarian?” tanong pa ni Maza.

    Hindi naman pinalagpas ni Manila Rep. Bienvenido Abante, na Obispo ng Bible Mode Church, ang nangyaring kasalan dahil bukod sa labag umano ito sa batas ng tao ay nilabag ng nagkasal at ng mga ikinasal ang kautusan ng Diyos.
    “Violations `yan sa Bible teaching at lalong labag `yan sa batas ng mga tao. They might be liable for administrative and criminal charges,” ani Abante kasabay ng pagsa sabing hindi dapat irehistro sa National Statistics Office (NSO) ang nasabing kasalan.

    Sa website ng Metropolitan Community Church of Quezon City ay ganito ang nakasaad na pambungad:
    Mabuhay!!
    Metropolitan Community Church is a place for all people. It is our founding belief that all are welcome at the table whether they are GLBT, Straight, Questioning, a member of MCC, a member of another church, or not affiliated with a church at all. The love of God is NOT conditional. All are welcome!
    MCCQC is an affiliate member church under the Universal Fellowship of Metropolitan Community Churches. We are a Christian denomination with special minis try to the LGBT.
    MCC moves in the mainstream of Christianity of Catholic (Universal) and Protestant (Liberal) Founded on the inte rest of offering church home to all who confess and believe.
    Last edited by chua_riwap; September 25th, 2009 at 07:24 AM.

Same *** Marriage Performed in QC!