3 kids ko 8,6 and 4 edad nila boy-girl-boy. Lagi kami nagtatalo ni misis pagdating sa mga material na bagay, gaya ng gadgets for kids. Hindi kasi ako lumaki may gadgets kaya hindi ko nakahiligan, ngayon mumurahing celphone lang at laptop lang meron ako. Naiinggit kasi yung eldest ko sa mga kaklase niyang may PSP at matagal na siya nagpapabili, mga 3 years na pero hindi ko pinagbibigyan. May gameboy naman siya bigay pa ng ninong. Gusto ko kasi ituro sa kanila na mas importante mga needs muna, tsaka na yung mga wants. Given na nagaaral sila sa maayos na paaralan at natutugunan mga needs nila at ibang mga wants bilang bata like toys and bikes. Sa akin kasi dapat maiset nila mga priorities nila habang bata pa sila hindi kung anuano nakikita nagugustuhan agad kahit hindi kailangan. Nung nagaaral kasi ako,binibili ko mga wants ko mula sa sarili kong ipon hindi hingi sa magulang na nagpapakahirap na kumita para makapagaral lang kami.Komo sapatos at school bags ako na rin sumasagot. Rason na lagi naming pinagtatalunan ni misis. Lumaki kasi siya nga may kaya at napagbibigayan sa mga luho.Kung hirap daw ako noon, dapat daw ibigay at ipadama sa mga anak ko mga bagay na kayang ibigay at hindi dapat igaya sa past ko.

Ano sa tingin nyo?