7-8 hours drive, more than 350 kilometers distance pero pinapakialaman pa rin kami sa mga purchases namin, pati sa business ginagawa naman kaming walang utak nakakainis na rin. Panganay ko affected din sa mga text ng lola niya itext ba naman na "ayaw ko sa sasakyan nyo ang liit hindi bagay dito yan ibenta nyo at bumili kayo ng iba" kahit 10 yr. old yun masasaktan din siya (mahal na mahal niya kasi si Eon). Pati yung balak naming bakasyon sa susunod na buwan malamang hindi rin matuloy ayaw na rin ni misis. Nung nagsisimula pa lang kami ni misis ang sabi ng biyenan ko "mag-ipon kayo at bumili kayo ng sasakyan para naman alam ng mga tao na may pera kayo"
ginagawang status symbol yung sasakyan. Bumili ng condo yung panganay nila pinapabili din kami ng condo, pumunta ng US yung pangalawa dahil kinuha na ng asawa niya gusto niya mag tour din kami sa ibang bansa.
30+ na kami ni misis ginagawa pa rin kaming bata hindi ko naman pinapabayaan anak niya at mga apo niya may tirahan, may sasakyan, nag-aaral sa private school, nakakabili ng gusto nila, nakakapasyal, nakakapagbakasyon ano pa bang gusto nila.
Pinapakisamahan ko na lang para wala ding masabi mga bayaw ko mababait naman kasi yung mga inlaws ko lang ang problema ko pero minsan mahirap din magtimpi.
Paano ko kaya sabihin sa kanila na hayaan naman kami sa mga desisyon namin?