Kapag ginawa mo iyan, huwag kang magagalit kung gagawin din ng misis mo.

Mas maganda kung kausapin mo siya; sabihin mo kung ano yung gusto mo. Kapag medyo "tumatabang" si misis sa iyo suyuin mo ulit. Malay mo mayroon ka rin palang pagkukulang kaya parang tinatamad siya. Siguro pakiramdam niya, kapag nagsisiping kayo, ikaw lang ang nakikinabang. Minsan mo nang napa-"oo", magagawa mo ulit.

Subukan mong mag-set ng "noontime rendezvous." Kapag pumayag, lambingin mo, huwag mong ipapahalata na parang hayok na hayok ka. Habaan mo yung "foreplay."