New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30
  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #1
    kinuhang ninong sa kasal yung father-in-law ko next week. unfortunately, nasa abroad pa sya kaya ako na lang mag po-proxy. problem ay wala ako idea kung ano ang ibibigay na gift (aabonohan ko muna pero babayaran din nya ).

    ano na ba usually ang binibigay ngayon pag ninong ka.. regalo or cash na lang? pag cash, magkano naman?


  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #2
    pwedeng pareho....lalo na kung kilala mo ang ikakasal...

    mas matatandaan ka pa kasi may gift ka na may cash ka pa...
    kasi hindi ko makalimutan yung nagbigay sa amin ng comforter saka nagbigay pa ng 5K na cash...

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    cash ang binibigay most of the time, approx 10k ang average binibigay as ninong/ninang

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    cash lang talaga. mas ma-appreciate ng couple kesa sa bigyan mo ng rice cooker, starter plates o oven toaster.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #5
    cash na lang siguro, kasi baka may makapareho ka ng regalo... nung kinasal kami halos parepareho mga regalo, 5 na 2 burner na stoves lol...

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #6
    Quote Originally Posted by jedi View Post
    cash na lang siguro, kasi baka may makapareho ka ng regalo... nung kinasal kami halos parepareho mga regalo, 5 na 2 burner na stoves lol...
    kami ni misis walang natanggap na stove. weird. kaya bumuli pa kami.

    makwento ko na rin yang tungkol sa mga absentee ninong / abay. yung best man ko ay barkada ko since elementary up to college kaso sa china siya nagwowork pero just the same kinuha kong isa sa mga best men (2 sila). alam na niya na ndi siya makakuwi kaya sinabi niya na lang sa mom niya na ibili siya ng regalo. yung mom nya eh mejo galante kaya ang binili ay microwave oven na malaki (black and decker). tiningnan ko yung price sa rustans eh parang near 10K ang presyo.

    nung umuwi yung barkada ko niloko ko siya habang nag iinom kami. sabi niya natuto na siya. siya na lang daw lagi bibili ng regalo sa mga kasal dahil napasubo siya sa gift niya sa amin. hehehe

    so yan.. ask ur father in law how much budget niya para walang problema hehehehe

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,412
    #7
    Cash or gift checque nalang. Yung mga gifts na binigay sa amin nung kinasal kami, nirerecycle ko nalang. Christmas gifts para sa mga customers. Meron pa yatang natitira up to now, e 8 yrs na kaming kasal.

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    556
    #8
    Iba kasi ang mga tradition at cultura.

    Pinoy or Chinese?

  9. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #9
    Cash or GC will do...At least they get to choose what they want or kung ano yung wala dun sa gifts na mare-receive nila, thus iwas pare-pareho ng gift.

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #10
    Practical na ang cash.Up to you kung magkano gusto mo ibigay pero minimum is 5K

Page 1 of 3 123 LastLast
Ninong sa kasal