New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 21 to 30 of 55
  1. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    357
    #21
    Maganda lahat ng suggestion ng mga kasama natin TS.. Simpleng-simple pero malaman.. Dyan ka talaga magsisimula..

    Re: Abroad

    Sa totoo lang ayaw ko to..Maka-ilang beses na sana akong naka-alis kung ginusto ko to..(US, Canada and Ireland) Pero ang moto ko hindi na baleng maliit ang kita ko basta magkasama kami ng pamilya ko para malayo na din sa tukso at mababantayan ko sila..Meron nga yung birong"'Pag-alis ng Pinas iisa ang anak, pagbalik dalawa na ang anak"(lol).. Saka syempre lalaki na ang anaka mo tapos habang lumalaki hindi ka na makikilala.. Hehe..Pero kung hindi talaga maiiwasan advice ko lang kung ang trabaho mo mekaniko o driver o basta mga simpleng trabaho lang, huwag sa Arab Countries like Dubai, Abu Dhabi at Saudi.. Liit ng kita dyan.. Parang malaki lang dahil maiipon mo(nakaka-awa nga kamag-anak ko sa mga lugar na yan kasi mas kumikita pa ako dito sa Pilipinas kesa sa kanila).. Pero kung susumahin mo, parang kita mo lang din dito sa Pilipinas ang sahod mo tapos ang layo mo pa sa pamilya mo.

    Sa pagpapamilya, lalong-lalo na kung responsable ka which is nakikita ko naman.. diyan talaga makikita at masusubukan ang tunay at tinatawag na SAKRIPISYO.

    Gulo ng post ko.. Ako mismo hirap intindihin.. hindi ko maconstruct ng maayos.. Kulang sa tulog.. hehe.. Initndihin mo na lang TS.. GoodLuck sa Pagpapamilya..

  2. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    1,383
    #22
    Quote Originally Posted by s1ngk1t View Post
    i live in a province where the minimum wage is 248. that said im only earning ~6k monthly. private company na nasa manila head office. hindi naman mahirap buhay dito sa probinsiya kasi kung gulay lang andami jan, malunggay na lang nasa bakuran na.
    hindi ko binababa sarili ko na mahirap ako kasi nakakabili pa naman ako ng pasalubong sa baby ko pero ang iniisip ko pano pag papasok na siya sa school? pano pag may emergency? kasi wala ka naman savings sa 248/day.
    hay buhay!
    Maghanap ka ng pwede ibenta na galing sa Divisoria, na wala sa Probinsya mo. Dyan ang umpisa mo.

    Maraming opportunity sa province, just use your coconut. Think Chinese.

    Remember, si Gokongwei sa province nagumpisa, pabenta benta lang sa bicycle. Now he is worth at least P50,000,000,000.00

  3. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #23
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    pwede yan. malaki na yang P12K+ a month na income sa province.
    basta simple lang buhay. walang added luho. at halos lahat naman, gulay, isda, manok available na sa paligid.

    pero baka kulang na yan pag nag-umpisa nang maga-aral ang mga bata, lalo na pag nasa private schools sila.

    saan ba province mo, sir TS?
    sa ilocos ako sir. ilokano detoy. hehe! yun nga ngayon ok pa naman kasi hindi pa nag-aaral anak ko, pero pag nasa kinder na tapos high school? sana pagdating ng time na yun napromote nako sa work at hindi na minimum. lol

  4. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #24
    Quote Originally Posted by ChoyJo View Post
    Maganda lahat ng suggestion ng mga kasama natin TS.. Simpleng-simple pero malaman.. Dyan ka talaga magsisimula..

    Re: Abroad

    Sa totoo lang ayaw ko to..Maka-ilang beses na sana akong naka-alis kung ginusto ko to..(US, Canada and Ireland) Pero ang moto ko hindi na baleng maliit ang kita ko basta magkasama kami ng pamilya ko para malayo na din sa tukso at mababantayan ko sila..Meron nga yung birong"'Pag-alis ng Pinas iisa ang anak, pagbalik dalawa na ang anak"(lol).. Saka syempre lalaki na ang anaka mo tapos habang lumalaki hindi ka na makikilala.. Hehe..Pero kung hindi talaga maiiwasan advice ko lang kung ang trabaho mo mekaniko o driver o basta mga simpleng trabaho lang, huwag sa Arab Countries like Dubai, Abu Dhabi at Saudi.. Liit ng kita dyan.. Parang malaki lang dahil maiipon mo(nakaka-awa nga kamag-anak ko sa mga lugar na yan kasi mas kumikita pa ako dito sa Pilipinas kesa sa kanila).. Pero kung susumahin mo, parang kita mo lang din dito sa Pilipinas ang sahod mo tapos ang layo mo pa sa pamilya mo.

    Sa pagpapamilya, lalong-lalo na kung responsable ka which is nakikita ko naman.. diyan talaga makikita at masusubukan ang tunay at tinatawag na SAKRIPISYO.

    Gulo ng post ko.. Ako mismo hirap intindihin.. hindi ko maconstruct ng maayos.. Kulang sa tulog.. hehe.. Initndihin mo na lang TS.. GoodLuck sa Pagpapamilya..
    salamat din sa advice sir. gets ko point niyo, dont worry. yung sa abroad pag tumitingin din ako online mga 15k lang naman ata sahod sa ME db sir pero depende rin siguro sa papasokan kung anong field. (please correct me if im wrong) kung tutuusin tama kayo na halos parehas lang sahod pero yung malayo talaga sa pamilya. hindi mo nakikita mga bata lumalaki.

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #25
    Quote Originally Posted by s1ngk1t View Post
    sa ilocos ako sir. ilokano detoy. hehe! yun nga ngayon ok pa naman kasi hindi pa nag-aaral anak ko, pero pag nasa kinder na tapos high school? sana pagdating ng time na yun napromote nako sa work at hindi na minimum. lol
    dapat lang. baka me problema ka na kung di ka napromote katulad nung ibang tao namin. habang buhay yatang helper ang gusto.
    kahit di mo mahalin kumpanya mo as long as mahal mo trabaho mo aasenso ka.

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #26
    may kakilala akong ganyan. ayaw umasenso ata. puro prinsipyo pinapairal.

    After 10 years na pagtatrabaho, ang sweldo ngayon nasa 15K pa lang. Pinakamatagal na trabaho nya 1 year lang. 6 pages na ata resume nya. Palaging may nakikitang mali sa company nya. Wala naman perfect na company. Pero kung maghahanap ka talaga ng mga pangit sa company, di ka mauubusan.

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #27
    i-assess mo din yun career mo bro.... kung sa tingin mo eh aasenso ka at tataasan ng sweldo or mapropromote.... sa totoo lang, bibihira ang yumayaman na nag-eempleyo dito sa bansa natin....

    kung sa tingin mo eh hindi mag-iimprove, subukan mo mag-aral ng ibang skill na in demand at subukan mo rin mag-umpisa ng negosyo kahit maliit.... sa totoo lang, problema ng pinoy yun "ok na yan mentality" porket sapat na sa pang-araw-araw eh hindi na naghahanap ng additional na income.... dito lang sa opisina ang daming ganyan.....

    Huwag dapat ganun ang mentalidad dahil ang trabaho mo kapag hindi ka na niyan kailangan, pwede ka nyan iwanan sa biglang iglap (magkasakit ka, mabalda ka or whatever reasons) ang hanapin mo ay kabuhayan na pwedeng kumita kahit hindi ikaw ang nagpapaandar para kahit papaano eh pwede mo ipamana sa anak mo....

  8. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,557
    #28
    Week end BBQ ala carte! .. May suki akong nagtitinda ng BBQ tuwing linggo (lang!) sa labas ng simbahan. Nung una bisikleta lang na my sidecar, nandun na lahat, BBQ grille, stocks, uling etc. Usually pagtapos ng misa, bilihan ang mga tao sa kanya, masarap naman ang timpla eh. After a year, yung bisikleta naging tricycle, may kasama na ngayon mga folding tables and chairs. Pwede kang kumain on the spot, lahat na gamit pangkain disposable (para iwas hugas-hugas)

    Ngayon, naka Suzuki minivan na siya (japan suplus). Rolling food store! Nagtitinda na rin sya ng pares, tokwa't baboy, mami, at lugaw .. Bilib ako sa taong yun ..

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,751
    #29
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    Week end BBQ ala carte! .. May suki akong nagtitinda ng BBQ tuwing linggo (lang!) sa labas ng simbahan. Nung una bisikleta lang na my sidecar, nandun na lahat, BBQ grille, stocks, uling etc. Usually pagtapos ng misa, bilihan ang mga tao sa kanya, masarap naman ang timpla eh. After a year, yung bisikleta naging tricycle, may kasama na ngayon mga folding tables and chairs. Pwede kang kumain on the spot, lahat na gamit pangkain disposable (para iwas hugas-hugas)

    Ngayon, naka Suzuki minivan na siya (japan suplus). Rolling food store! Nagtitinda na rin sya ng pares, tokwa't baboy, mami, at lugaw .. Bilib ako sa taong yun ..
    Yan ang sipag at tiyaga. Hindi gaya ng kay Villar na may daya pa sa dulo.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #30
    12k a month sa province is ok.

    no house fees. food lang then baby.

    no yaya na kailangan.

    pakikisama lang actually, but if mabait naman in-laws swerte mo nalang.

    assess mo kung hanggang saan ang kaya mo. if you can go on work na tipong halos 24/7 gawin mo para may maipon ka kahit konti.

    if you have friends dito sa mnl then may products dito na wala diyan ( like yung pamaypay na pwede i-fold. :P ) then pakisuyuan mo sila na padalhan ka diyan kahit ilang pcs. tapos ibenta mo. pwede rin food actually. depende.

    with that, you'll have regular customers -- pag food -- and wala ka na rin talo coz you can eat whatever will be left din.

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Mabubuhay ko ba pamilya ko sa Php248.00/day na sa sweldo?