New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 55

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #1
    i live in a province where the minimum wage is 248. that said im only earning ~6k monthly. private company na nasa manila head office. hindi naman mahirap buhay dito sa probinsiya kasi kung gulay lang andami jan, malunggay na lang nasa bakuran na.
    hindi ko binababa sarili ko na mahirap ako kasi nakakabili pa naman ako ng pasalubong sa baby ko pero ang iniisip ko pano pag papasok na siya sa school? pano pag may emergency? kasi wala ka naman savings sa 248/day.
    hay buhay!

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #2
    Ang sagot dyan eh mag sideline bro... or start a small business.. kahit mga load load lang...

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #3
    medyo mahirap yan. pang araw araw lang na gastos yan.

    pero madami ka namang free time para mag sideline. diskarte lang ang kailangan.

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #4
    kung mabubuhay oo mabubuhay mo pamilya mo sa kinikita mo

    di kayo gugutomin

    huwag lang magkaroon ng emergency

    kung sakali meron ka naman siguro pwede utangan dyan

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #5
    Ang sagot dyan eh mag sideline bro... or start a small business.. kahit mga load load lang...
    medyo mahirap yan. pang araw araw lang na gastos yan.

    pero madami ka namang free time para mag sideline. diskarte lang ang kailangan.
    ok nga yung load sir,

    yup pang araw araw lang talaga para sa gastusin. problema ko rin free time kasi 1 araw lang off ko sa trabaho.


    kung mabubuhay oo mabubuhay mo pamilya mo sa kinikita mo

    di kayo gugutomin

    huwag lang magkaroon ng emergency

    kung sakali meron ka naman siguro pwede utangan dyan

    huwag naman sana yung bigla emergency na kelangan ng malaking pera. yun din sana gusto ko iwasan, yung mabaon sa utang, minimum na nga lang sahod dami pa utang. patay tayo jan.

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #6
    sorry sa mga personal na tanong bro:

    misis mo full-time mom ba?
    sa ngayon magkano ang daily gastos nyo?
    ilang taon na baby mo?
    ano mga bisyo mo?

    i'm sure maraming makakatulong sayo kung pano mo mapapagkasya yan. at sobra pa.

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #7
    misis mo full-time mom ba?

    hindi sir, may trabaho din siya pero same kami ng rate, minimum.

    sa ngayon magkano ang daily gastos nyo?

    gastos namin, groceries, milk, diapers. nakikitira kami ngayon sa parents ng misis ko

    ilang taon na baby mo?

    3 years old sir

    ano mga bisyo mo?

    wala, as in wala.

  8. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    1,383
    #8
    Quote Originally Posted by s1ngk1t View Post
    i live in a province where the minimum wage is 248. that said im only earning ~6k monthly. private company na nasa manila head office. hindi naman mahirap buhay dito sa probinsiya kasi kung gulay lang andami jan, malunggay na lang nasa bakuran na.
    hindi ko binababa sarili ko na mahirap ako kasi nakakabili pa naman ako ng pasalubong sa baby ko pero ang iniisip ko pano pag papasok na siya sa school? pano pag may emergency? kasi wala ka naman savings sa 248/day.
    hay buhay!
    Maghanap ka ng pwede ibenta na galing sa Divisoria, na wala sa Probinsya mo. Dyan ang umpisa mo.

    Maraming opportunity sa province, just use your coconut. Think Chinese.

    Remember, si Gokongwei sa province nagumpisa, pabenta benta lang sa bicycle. Now he is worth at least P50,000,000,000.00

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    743
    #9
    Quote Originally Posted by s1ngk1t View Post
    i live in a province where the minimum wage is 248. that said im only earning ~6k monthly. private company na nasa manila head office. hindi naman mahirap buhay dito sa probinsiya kasi kung gulay lang andami jan, malunggay na lang nasa bakuran na.
    hindi ko binababa sarili ko na mahirap ako kasi nakakabili pa naman ako ng pasalubong sa baby ko pero ang iniisip ko pano pag papasok na siya sa school? pano pag may emergency? kasi wala ka naman savings sa 248/day.
    hay buhay!
    Mahirap talaga yan bro. Di naman sa pagmamayabang pero halos isang kainan lang namin yang daily wage mo lalo na pag lunch at bibili na lang ng ulam sa carenderia. I live in an independent component city in a province. . . .Pero at least pareho kayo ni mrs. mo may trabaho. kailangan mo talagang mag-sideline nyan. Or if you think that you and/or your wife is/are intellegent, mag-aral pa kayo ng masteral degree or any other course that are needed in higher paying jobs. College graduate ba kayo pareho? Kung kaya nyong mag-aral ng law, why don't you try it? I was once a working student and a family man. Halos kagaya ng situation mo. Nakikitira sa parents, may 1 anak at pareho kaming nagtatrabaho ni mrs. Pero pinilit kong makatapos ng abogasya, and luckily, I succeeded. Almost 4-5 times bigger na ngayon ang income ko compared to my previous job. Indeed, the root of education is bitter, but the fruit is sweet.

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #10
    Oo Pre, sigurado ayaw natin ng ganun!
    Since may fixed income naman si TS, sigurado mabubuhay nya pamilya nya, tapos may work pa si Mrs nya.

    Goodluck kay TS, I'll bet na mabubuhay pamilya nya base sa tanong nya sa tread.

    Yung tungkol sa standard of living, its another story.

  11. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #11
    ^ de baleng maliit ang kinikita basta nakasasapat. di naman kailangan na sobrang yaman masama rin naman yun napahirap naman, basta nang gagaling sa marangal na paraan, saka tiis-tiis lang. darating din ang kaunlaran sa mga taong nagsisikap,

  12. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #12
    Maliit yata yung 248 na per day salary!
    NCR alam ko around 400, province around 300...
    San ka ba work TS?

  13. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #13
    mura ang cost of living sa province kumpara sa manila. kailangan ng sideline o may work din si misis para makakain ng tatlong beses sa isang araw + bayad sa renta, tubig at kuryente.

  14. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #14
    baka makatulong pag may profit sharing sa pang araw2x na gastos.

Mabubuhay ko ba pamilya ko sa Php248.00/day na sa sweldo?