New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 64
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,457
    #1
    For those who are married, mahirap ba? I mean is it really that hard? :confused:

    My main concern kasi is the budget eh. What if wala munang kids? and magrent ng house or something...is it possible if both of you are earning just a little above 20k each? What kind of lifestyle would we have?

    Haaaaaaaaaaay buhay....

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #2
    sa umpisa, madali kasi dalawa lang kayo.
    parang bahay-bahayan, very sweet pa.
    mahirap naman kung hindi kayo mag-aanak, malungkot at baka magkakasawaan na kayo. kung panganay ka or yung magiging wife mo, umaasa naman ng apo ang mga magulang.
    at kung nasa late 20's na si babae, mahirapan na yan makabuo ng baby, laging spotting na yan.
    ang advice ko, mag-anak na kayo within 2 years of marriage.
    hindi ka naman siguro magpapakasal ng walang ipon.
    huwag naman sunod-sunod ang anak, lagyan mo ng space/gap na 2-3 years.
    nagmamahal na rin ang infant milk, rate sa hospital, vitamins, diapers, at ang magiging tuition fees ng anak mo. ceasarian today costs around P20thou+!!!
    i just saw yesterday sa grocery na yung dating P400/kilo na naging infant milk ng anak ko ay nagkakahalaga na ng P750/kilo (yung nasa lata ito ha.) baka kapag ikaw na, P1thou na?!
    kaya hanggang maaga, mag-anak na kayo.

    i'm blessed naman with 2 girls (7 & 4 yrs. old), pambayad utang daw? (shet!)
    lagi na lang kaming ipon for their basic needs and education.
    don't worry, God will provide.

    goodluck ha!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #3
    hmmmmmmm...
    Djerms..
    magpro-propose ka na ba??
    good luck ha!!!
    mwehehehe

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,457
    #4
    Thanks zero. It seems that you have planned well for your amily. Ang ganda nga ng age gap ng kids mo. At least the other one can take care of the younger.

    Ang mahal na pala ng infant milk...hindi ba pwedeng evap nalang..hehe.

    Kidding aside, around how much ba ang dapat na ipon before getting married? considering na wala pa kaming house. Simple wedding lang naman eh...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #5
    pare i'd hate to be the one to say this. If you have to ask, you cant afford it.

    Madali lang magpakasal, mahirap not to mention magastos i-maintain, lalo na when your future wife starts popping out kids.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #6
    mine was P50 thou = church wedding tapos QC sports club ang reception. (1995 pa ito ha, ewan ko ngayon)

    dito ako naka-tipid
    = kumuha kami ng ninang na may-ari ng dress shop at garment store kaya yung barong ko at gown ng wife ko at attire ng mga abay ay regalo na ni ninang.
    = chedeng ng isang barkada ng kapatid ang wedding car.

    ilagay mo sa wedding invitation na pera na lang ang regalo,
    apat na wedding na ang na-attend nan kong ganun.
    may red envelope (yung ginagamit ng intsik) na naka-enclose sa invitation. sayang, di ko naisip yun, 10 tuloy ang rice-cooker ko at 3 kalan (Dyos ko po, parang magtatayo ako ng carinderia!) hahaha!!!

    of course, mas matipid kung civil wedding na lang.
    practical pa nowadays. but church wedding is every woman's dream daw.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #7
    At kung mag-aasawa ka, pumili ka ng low-maintenance wife para makapag-ipon ng maayos.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #8
    Originally posted by Ungas
    At kung mag-aasawa ka, pumili ka ng low-maintenance wife para makapag-ipon ng maayos.
    :bwahaha: :bwahaha: :bwahaha:

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #9
    zero,

    10 rice cooker..?!! anak ng tokwa..tinipid ka ata ng mga nagregalo sayo ah..

    pag ako nagpakasal, dapat nakalista na ung mga gamit..tapos papailiin ko na lang ung mga magreregalo..hehe..parang sa mga instik..:lol

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #10
    di ko na sabihin ang estimate ng wedding costs, although last january lang yung wedding namin ni misis (yung avatar sa left!) kasi nasa inyo naman yan kung ano gusto nyo at ma-afford. kung gusto nyo civil wedding lang bakit hindi, kami ni misis nag-vicil din muna nung august last year bago kami nagpakasal sa church.

    kasya na yan 40k kung....wala ka hinuhulugan na bahay at apartment lang kayo, or may bahay na hinuhulugan at dun na kayo nakatira. kami kasi nasa apartment kami ngayon at naghuhulog pa kami ng 2 lots sa bulacan. investment lang naman yung sa bulacan, ibenta din namin yun pag mataas na price. at yung kikitahin dun sa lot yun ang balak namin pang-down sa bahay. better than putting it sa bank kasi, pwede mo ma-widraw. dun sa investment namin na lot, di namin magagalaw saka mas malaki ang kita.

    anyway, sa apartment, 8k ang upa namin. syempre di naman magarbo na apartment yan, just 2 storey 2 bedroom sa pagasa. sa food, gastos namin nasa 5k per month. di kasama groceries dun which is around 4k per month. clothes syempre magshopping din kayo so additional yan. gastos sa kotse lalo na kung hulugan. health insurance dapat meron kayong dalawa. electric bill, water, telephone. sweldo ng maid. dami pang iba. basta budget ni misis sa bahay including rent 35k per month. ako sagot ng car payments saka amortization ng 2 lots sa bulacan (which is our savings actually). nakaka-save din si misis ng mga 5-7k per month dun sa budget nya, so nasa 28k lang ang gastos talaga.

    but of course nasa budget mo naman yan, kung ano kaya mo bakit naman hindi kakasya ang 40k ninyo sa inyong dalawa lang.

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Getting Married