Ang nanay ko at mga in-laws ko within 10 mins driving distance lang ang layo sa bahay namin ni misis.
Wala naman problema parehas.
Sa nanay ko matagal na kami nagkaintindihan. Binata pa lang ako alam na niya na ayaw ko ng pinakikialaman. Hindi naman ako perpekto pero isang beses ko lang siya binigyan ng sakit ng ulo (highschool yun). Noong college kahit umuwi ako ng lasing o hindi umuwi hindi naman ako sinisita kasi pag bigay ko ng class card mataas grades ko hahaha. carry over noong kasal na ako. mejo alangan nanay ko pag magbibigay ng suggestion hehehe.
Sa yung byenan kong lalake, wala din problema. tahimik at mabait. YUng byenan ko babae ganun din. Hindi sila nangingialam sa buhay ng mga anak nilang may asawa na. So far ok naman buhay ng mga anak nila kasama na syempre yung misis ko hehehe. Minsan sa akin pa nagtatanong ng tips at advice.....sa pag-luluto