New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 28

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #1
    May nagpost sa facebook share ko na rin lang..

    The best advice a Dad can give his son.... (natouch ako, I couldn't agree more)

    Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

    Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali ka naman talaga, huwag mo nang ulitin.

    Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa’yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

    Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

    Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara. Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

    Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira-ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-***, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-*** mo. Practice safe ***. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

    Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

    Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT. Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo.

    Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

    Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak niya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

    LEARN.

    Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha. Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo. Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

    Nagmamahal,
    Tatay
    Last edited by russpogi; March 6th, 2009 at 02:36 PM. Reason: added quote...

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    451
    #2
    IMHO, ok na sana, but this part was a letdown: "Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang." Everything else is pretty damn good advice.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #3
    ^^Onga, pero I think the idea is para lang maexperience, yun nga lang baka magtuloy tuloy

    I myself tried it pero sa isang party way back in college, pero afterwards di ko naman hinanap..

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #4
    ako ito naman ang nagustuhan ko: "Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka".

    nakakahiya sa mga kamag-anak na makakapanuod baka sabihin di kita tinuruan ng magagarang posisyon :tvcomedy:

  5. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #5
    naiyak ako dito ah, hehehe...

    tama naman eh pero parang ineencourage pa ang anak na gumawa ng kalokohan...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    seriously, my pop was mum on me trying so many things. hehehehe.

    alam nya that i've tried drugs, alam nya that i smoked pot and cigarettes, and he even knows that i have engaged in PM *** before.... hehehehehe.

    ang kay erpats lang, dapat matutunan mo kung ano ang tama at mali. and kung alam mo na na mali, hwag mo ng gawin ulit.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #7
    Galing mag-advise ni Daddy.

    Advice ko kay Daddy: Sana pinakasalan mo yung Mommy nung bata..........
    Last edited by chua_riwap; March 5th, 2009 at 02:05 PM.

  8. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,795
    #8
    Quote Originally Posted by oliver1013 View Post
    May nagpost sa facebook share ko na rin lang..

    The best advice a Dad can give his son.... (natouch ako, I couldn't agree more)
    Yung marijuana nga 'wag na. Ikuwento ko na lang.

    Idagdag ko na din.

    Kung iinum ka, make sure laging kang may ititrang pang-uwi. Ilagay sa lugar ang tapang, dumadami traydor.

    Anak sana makahanap ka nang matinong mapapangasawa. Sa panahon niyo kasi ngayon, ang aga na lumandi ng mga babae at yung ibang magulang dyan parang okay lang sa kanila. If it comes to it, really practice safe ***, ALWAYS!

    Kaliwa't kanan nakikita mo naman siguro na halos glorified yung pagiging bakla, single mom, disgrasyada bi***ual etc. Sana maging normal pa buhay pag-ibig mo. Make sure she's a virgin. Mahirap na.




    hehe, just want to express my thoughts, lagi na lang kasi ako kinukuwentuhan ni mrs na yung mga bata ngayon ibang-iba na raw talaga sa panahon namin.
    Last edited by Ry_Tower; March 24th, 2012 at 05:20 PM.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #9
    7 Things I Would Tell My Teenage Self » Roosh V

    Eto pangontra naman pero may sense din

    1. Don’t listen to your parents. They want you to have a stable and boring existence without the struggle they had to go through. They want you to play it safe instead of taking risks that may lead to your ruin or even death. Unfortunately, if you follow their advice the most you’ll get out of it is a steady paycheck. You will have a mere average existence with average women and average experiences in an average city. Understand that the more risks you take, the greater rewards you receive.

    2. Hit the gym. Just because you’re not the best looking guy doesn’t mean you should give up on being attractive. Weight lifting will help you build confidence and increase your testosterone level so that taking risks literally becomes in your blood.

    3. Cut off the television, internet, and video games. Pick a hobby such as music, writing, DJing, languages, or sports, and dedicate one hour per day on it. You’ll be a beast before you even hit 21, where it’ll not only make a positive contribution to your life, but give you the option to take an alternative path.

    4. Read at least two books every month. You don’t know **** about life right now. Hell, you still won’t know a whole lot even when you turn 30. Keep yourself sharp by tapping into the brains of others through their work. Writers have spent hundreds of hours to create books that distills all their knowledge or experience in an easily digestible format. Take advantage of that, and watch your conversational skills increase as a result.

    5. Stop being concerned about what other people think of you. They don’t care about you. They are so wrapped up in their own insecurities and what you think of them that you’re wasting your energy trying to get accepted by strangers. Take risks, **** everyone else, and note down what you learn. If you’re not making a lot of mistakes, you’re not doing enough.

    6. Take the pussy off the pedestal. You know what? Just become ***ist. If getting laid is what you want, that’s the path you should take in the feminist society you live in. You can soften that stance when you get older, but for now just view women as mindless **** toys who are garbage. Whether or not they really are garbage, this will get you more pussy than you’ve ever imagined. Sure it becomes a self-fulfilling prophecy in a way, but you’re living in an age where the laws and cultural environment concerning marriage are set up to destroy you. You might as well get laid a lot.

    7. Have a backup plan to earning a living. Don’t count on putting in four years at college and getting a cushy job that lasts until some golden retirement. Don’t count on some cunt in Human Resources to like your answer to what your greatest weakness is. Don’t let people who don’t care about you determine your income. Re-read number 3 again. One hour a day into something has probably made you a mini-expert. What service or product can you now create with your expertise that someone else would be happy to buy? Trust me when I say you’ll be much happier making $20,000 a year controlling your destiny than four times as much being controlled by someone else.

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #10
    "put*ngina naman! lagi ka na lang inuumaga! huwag mo naman kami patayin ng nanay mo sa pag-aalala sayo!".

    words of my loving father when i was a teener. ngayon naiintindihan ko na kung gano kahirap mamatay sa kakaisip ang isang magulang pag inuumaga na ng uwi ang kaniyang anak.

Page 1 of 2 12 LastLast
Best Tatay Advice so far...