New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 55
  1. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #1
    i live in a province where the minimum wage is 248. that said im only earning ~6k monthly. private company na nasa manila head office. hindi naman mahirap buhay dito sa probinsiya kasi kung gulay lang andami jan, malunggay na lang nasa bakuran na.
    hindi ko binababa sarili ko na mahirap ako kasi nakakabili pa naman ako ng pasalubong sa baby ko pero ang iniisip ko pano pag papasok na siya sa school? pano pag may emergency? kasi wala ka naman savings sa 248/day.
    hay buhay!

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #2
    Ang sagot dyan eh mag sideline bro... or start a small business.. kahit mga load load lang...

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #3
    medyo mahirap yan. pang araw araw lang na gastos yan.

    pero madami ka namang free time para mag sideline. diskarte lang ang kailangan.

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #4
    kung mabubuhay oo mabubuhay mo pamilya mo sa kinikita mo

    di kayo gugutomin

    huwag lang magkaroon ng emergency

    kung sakali meron ka naman siguro pwede utangan dyan

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #5
    Ang sagot dyan eh mag sideline bro... or start a small business.. kahit mga load load lang...
    medyo mahirap yan. pang araw araw lang na gastos yan.

    pero madami ka namang free time para mag sideline. diskarte lang ang kailangan.
    ok nga yung load sir,

    yup pang araw araw lang talaga para sa gastusin. problema ko rin free time kasi 1 araw lang off ko sa trabaho.


    kung mabubuhay oo mabubuhay mo pamilya mo sa kinikita mo

    di kayo gugutomin

    huwag lang magkaroon ng emergency

    kung sakali meron ka naman siguro pwede utangan dyan

    huwag naman sana yung bigla emergency na kelangan ng malaking pera. yun din sana gusto ko iwasan, yung mabaon sa utang, minimum na nga lang sahod dami pa utang. patay tayo jan.

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #6
    sorry sa mga personal na tanong bro:

    misis mo full-time mom ba?
    sa ngayon magkano ang daily gastos nyo?
    ilang taon na baby mo?
    ano mga bisyo mo?

    i'm sure maraming makakatulong sayo kung pano mo mapapagkasya yan. at sobra pa.

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #7
    misis mo full-time mom ba?

    hindi sir, may trabaho din siya pero same kami ng rate, minimum.

    sa ngayon magkano ang daily gastos nyo?

    gastos namin, groceries, milk, diapers. nakikitira kami ngayon sa parents ng misis ko

    ilang taon na baby mo?

    3 years old sir

    ano mga bisyo mo?

    wala, as in wala.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #8
    ok naman pala eh

    sa unang post mo parang ikaw lang ang kumikita

    wife also works pala

    dual income, living rent free, libre yaya (lola takes care of apo while you're both at work right?)

    i guess may contribution kayo sa gastos sa bahay ng parents ng misis

  9. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #9
    ok naman pala.

    di ka naman na gumagastos ng napakalaki sa gatas. di na kasing mahal ng mga new born na milk. sanayin mo na kumain ng mga gulay para bawas gastos din. healthy pa.

    isip isip ka na ng magandang sideline. load talaga number 1. yung officemate ko yung pang araw araw na gastusin nya sa kita na lang sa pag load kinukuha.

    sa palagay ko mga mas malaki pa ang masesave mo monthly compared sa mga nagtatrabaho sa cities na kailangang gumastos ng mahal sa transpo, pagkain, rent ng bahay.

  10. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    35
    #10
    ^ yep hati kami sa bayad ng kuryente at tubig. si lola hindi kaya mag-alaga ng baby kasi may sakit sa puso, mabilis mapagod. lalo pa't lakwatsera na baby ko, takbo dito, takbo doon,

    sa first post ko, ako lang subject kasi ako naman ang may responsibility tlaga na buhayin ang pamilya ko sir.











    isangbatangtataynawalangginawakundiisipinangkinabu kasannganak.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Mabubuhay ko ba pamilya ko sa Php248.00/day na sa sweldo?