New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #1
    Warning: Kung BASAG TRIP KA ...wag basahin nkamamatay .. Haha

    1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box, yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya. Later during the day, ‘pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na ‘Omega 8.’ ‘Pag
    tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: ‘Because you’re good for my heart.’

    2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: ‘I miss hanging out with you.’

    3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, ‘Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.’

    4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung ‘with Omega 8.’ Hindi na siya magtatanong kung bakit.

    5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. ‘Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo: ‘Natunaw na kakatitig sa’yo.’

    6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: ‘Walang kulay ang buhay kung wala ka.’

    7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

    8. Itext mo siya ng: ‘Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!’

    9.Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo: ‘Para ‘pag nagkabanggaan ang puso natin.’

    10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: ‘Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa akin.’

    11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: ‘Aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko?’

    12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. Unahan ang kanyang galit at sabihin: ‘Ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng bahay mo, match na tayo.’

    13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng‘salbabida’, ‘wag payong, o mainit na mami. ‘Pag nagtanong kung bakit?
    Ang isagot mo ay: ‘Ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.’

    14. ‘Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. ‘Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na:‘Don’t leave your valuables unattended.”

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #2
    kayo ano ang mashare nyo

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #3
    Natawa ako doon sa unang tip :hysterical:

  4. Join Date
    Jun 2013
    Posts
    80
    #4
    Eto tinuro pa ng lolo ng lolo ng lolo ko,

    Tabihan mo siya, saka sabihin ng mahinahon
    Boy : Alam mo may nahulog ka.
    Girl : Anu
    Boy : Yung Puso ko, nahulog sayo. katunayan ayun ohhh,, sabay turo sa malayo.
    (saka dahan dahan ilapit yung mukha mo sa face nya) pag binaling nya atensyon niya sayo saka mo na Kiss or Halikan

    Depende kung may lakas loob kang halikan sya pero mas effective daw talagang halikan.

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,255
    #5
    ^ Basta hindi lag panget. Kapag panget nakuw sampla aabutin mo. Magagalit pa sa'yo si crush.

    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    kayo ano ang mashare nyo
    Wait lang, masakit pa tiyan at panga ko sa kakatawa.
    Last edited by Ry_Tower; June 29th, 2013 at 04:51 PM.

  6. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    5,863
    #6
    simple lang tip ko diyan sa tanong mo...

    1. h
    2. u
    3. w
    4. a
    5. g

    6. k
    7. a
    8. n
    9. g

    10. T
    11. O
    12. R
    13. P
    14. E


  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #7
    Quote Originally Posted by monty_GTV View Post
    simple lang tip ko diyan sa tanong mo...

    1. h
    2. u
    3. w
    4. a
    5. g

    6. k
    7. a
    8. n
    9. g

    10. T
    11. O
    12. R
    13. P
    14. E

    Hanep!!!

    Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 4 Beta

  8. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #8
    1. J
    2. U
    3. S
    4. T

    5. B
    6. E

    7. Y
    8. O
    9. U
    10. R
    11. S
    12. E
    13. L
    14. F

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Quote Originally Posted by monty_GTV View Post
    simple lang tip ko diyan sa tanong mo...

    1. h
    2. u
    3. w
    4. a
    5. g

    6. k
    7. a
    8. n
    9. g

    10. T
    11. O
    12. R
    13. P
    14. E

    kahit torpe na ngayon pwede manligaw.
    text text lang pwede mo na sabihin saloobin mo.
    pero noon, pag torpe at mahiyain ka hanggang tingin ka na lang.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #10
    Tapos pag basted:

    1. M
    2. A
    3. G

    4. J
    5. K
    6. O
    7. O
    8. L

    9. N
    10. A

    11. L
    12. A
    13. N
    14. G

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread