Tama, kung yung RPM mo naman ay stable sa 800-900 at hindi erratic ang idling mo, it means stable ang bigay ng carburetor mo kasi kung malakas ang sirit ng gas dapat maitim at puro carbon ang spark plugs mo (rich mixture), at nagtatapon ka lang ng gas. Ipa check mo maige yung makina mo sa ignition timing at cylinder compression. Para mahabol mo kasi ang pinakamalapit sa ideal gas consumption para sa engine displacement ng makina mo, dapat nasa tama yung timing at di ka loose compression at tsaka hindi ka sliding clutch. pwede rin ignition system mula coil papunta sa high-tension wires hangang spark plugs pero alanganin kasi dapat erratic ang idling mo kung yun ang may problema. Ako naka toyota corona, 2.0 ang makina ko pero 12-13km per liter, long drive at 10-11 km city drive at hindi ko pa masyado na maintain, samantalang sa iyo if I'm not mistaken eh 1.3 liters. Tignan mo rin baka may naiwang kalabaw sa compartment mopeace!!!!





peace!!!!
Reply With Quote