Kung pcv valve ang suspect mo, tanggalin mo hose papunta pcv valve, tapos barahan mo pinangalingan ng hose papunta sa intake chaka mo test kung uusok pa.

Pero, kapag umuusok dahil sa pcv valve, ibig sabihin blow by na talaga ang makina mo.

Bakit?

Kasi ung galing sa piston na pressure pag maluag ang rings mo, bumababa sa crankcase. Pag baba nun sa crankcase magkakaroon ng pressure na tutulak sa oil papunta sa positive crankcase ventilation valve (PCV).

Karamihan na normal ng problema pag pcv valve eh, erratic idling.