Quote Originally Posted by reym View Post
Fair naman ang consumption ng 2C. Advantage ng diesel engine.

Kaya lang sa experience ko sa C series kapag humahataw ka sa xpressway may tendeny na mag overheat. Depende sa kondisyon ng makina at cooling system.

Sa pampasaherong fx every 2 years overhaul yan. Underpower kasi sa napakalaking kaha tapos inaabuso pa ng drayber o kulang sa maintenance

Pansin ko naman mejo mabilis sya humina. nung unang bili namin para sa owner eh malakas humatak at mabilis mag accelerate pero after 3 months para ng pagong. Madali namang hanapin ang dahilan ng paghina bigla ng mga lumang model ng diesel engines.

Abangan mo jan ang timing belt every 3 years palitan mo at every 1 year tingnan mo kung may tagas langis paupunta belt, wasak makina mo pag nasira yan.
yan ang laging tatandaan