Baka naman may nagtatamang metal part sa VV mo. Yung L300 ko kasi dati wala naman naging problema na ganyan. Yun nga lang pag luma na ang langis pag mainit na yung makina medyo manipis na ang lubrication kaya medyo maingay mga tuppet. Maaari din na fuel knock o vibrations inside the tranny.
Nga pala, naalala ko lang bigla, sa mga naka L300 VV man o FB, baka di nyo pa nalalagyan ng sapin yung tubo ng A/C na located sa may air cleaner. Nasa bandang ilalim yun kaya hindi pansinin. Pag napabayaan yun nabubutas yung tubo kakikiskis sa air cleaner. Ang resulta... Ubos ang freon. Tingnan nyo nalang, di ko gaanong maexplain e, basta sa bandang ibaba yun at malapit sa air cleaner.