Results 81 to 86 of 86
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 236
September 10th, 2014 02:55 PM #81Ganyan naman talaga normal temp reading. Kapag wala ka kasi thermostat, bababa ang temp mo kapag highway driving. And matagal cold start mo. Kapag may thermostat, steady lang temp gauge mo kapag hi-way driving. Hindi siya bababa, constant na lang siya. And mabilis lang ang cold start. Mas maganda para sa engine and a bit good in fuel efficiency.
Posted via Tsikot Mobile App
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
October 20th, 2014 09:36 AM #82Wala pa ako mahanap na thermostat para sa sasakyan ko, wala naman kayang magiging problem kung naka aircon ako lagi? Wala naman effect ang walang thermostat sa operation ng aircon? Thanks.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2008
- Posts
- 641
October 20th, 2014 10:00 AM #83I can attest to the benefits of re-installing the Thermostat valve. Nung bagong bili ko yung 2nd hand na gas fed revo ko, ang tagal nyang mag warm-up. Halos lagi ring mababa yung temp nya na I believe wala sa optimal temp. Erratic din yung idling, pag malamig laging mataas ang menor, pag nangalahati na, dun pa lang magnonormalize, but it would take long enough or pag natraffic lang sya nag nonormalize. Nung pinabuksan ko, tinangggal nga o wala nga yung thermostat. I decided to have it replace by an original brand, and the results were very good. Constant na yung temp nya, hindi na erratic yung idling, plus ang laki ng itinipid sa gasolina. Mas pumino pa ang andar. Regarding sa aircon pag walang thermostat valve, I think wala namang masyadong effect yun, but you would be suffering the consequences as stated above which i believe is more a negative factor.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
October 20th, 2014 09:02 PM #84Yes sir ganyan din un sa akin. 10 mins na ako nagpapainit ng engine 1/4'pa din un temp, kinakabahan ako baka bigla nalang kasi huminto un fan, lagi kasing nakabukas. Medyo malakas nga sa gas lalo na pag short distance lang ang mga byahe at hindi umaabot sa kalahati ang temp.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2008
- Posts
- 641
October 28th, 2014 11:24 AM #85Sir euro, I think yung sira sa inyo is yung Thermo switch, not the thermostat valve (though mas maganda ma check-up pareho). Yung thermo switch kasi ang co-control ng radiator / condenser fan, kaya pag sira ito, lagi na lang umaandar yung fan. Other negative effects of a defective or not working thermo switch are the early failure of the auxiliary fan and alternator. Lagi kasi itong umaandar at may load kaya gastado at pwersado. Mura lang naman yung switch kesa pag nasira yung fan at alternator (maliban pa yung mas malakas sa gas at di nasa optimal temp yung makina) kaya mas makakabuting paayos nyo na.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!