check mo muna, baka spark plug oil seal lang yan. Patayin mo muna makina, then tangalin mo yung hi-tension wire, kapain mo ngayon yung mga butas na pinagsasaksakan ng wire, dapat tuyo yan, wala kang langis na makakapa. Kung malangis, sigurado na spark plug oil seal yan, 250 yan 4 na piraso na.
Kaya mo ng gawin yan, tangalin mo lang yung cover, then sa likod ng cover, angat mo lang yung lock, matatangal na yan.
Bago mo ibalik linisin mo muna mga butas, make sure na walng maiiwan na basahan. hehehe palit spark plug ka na rin para sigurado ka at ma test mo maige.