New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    4
    #1
    Hello hingi po opinion sa tulo ng langis. I'm not really familiar with these things so I need more opinions. Parang research haha.

    Sinilip ko paligid ng makina. Dito po sa area na ito sa ilalim ng makina yung may fresh na langis. Pero onti lang naman ang patak kapag ginagamit lang ang kotse. Sa may belt sa kanan wala naman.


    Zoom in: Ano ba ito?


    Sinilip ko rin yung ilalim. Mula dun sa 2nd pic, tulo sa mahabang bakal na yan, tapos tulo sa floor.
    Yung isa oil pan yan diba? Yung paligid nun. Yung may mga screw parang nagseep out ang langis.


    Yung isang mekaniko sa Shell samin, sabi gasket daw. Di pa naman ako maalam sa ganyan hehe. Bubuksan daw ibabaw ng makina tapos papalitan mga oil seals, may gagawin sa gasket, at kung ano pang may sira. Para isang bukas na lang. Aabot daw ng 5-8k pesos depende sa sira. 2800 daw labor nung pagtanggal ng ibabaw ng makina.

    Summary:
    Mitsu Spacewagon
    No weird smoke sa tambutso
    Ok naman ang tunog ng engine
    Same car performance except the oil leak
    Hindi pa nagagalaw ang makina (ay pinalitan pala dati yung distributor o-ring)
    Kapag nagch-change gear may 'tok' na tunog

    1. Based on the things above, ano ang possible na cause/s?
    2. I would like to an estimate of the cost. Labor? Parts? Where to buy? gasket, oil seals, change oil, etc.
    3. Good shop, walang dayaan, fair price, quality work. Nababasa ko lagi dito ang Speedyfix.

    TIA.

  2. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    4
    #2
    Fyi, dinagdagan ko ng onting oil kaya basa yung paligid ng cover ng lalagyan ng oil.

  3. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    18
    #3
    hard to trace kasi sobrang dami na; try cleaning up a bit with some degreaser then observe kung saan talaga ang pinaka-source ng leak

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,010
    #4
    try cleaning the engine, have the valve cover gasket replaced and the o-ring at the distributor replaced too. with the "tok" sound, have the north and south engine mounts replaced.

  5. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    4
    #5
    Thanks. Ok lang ba ipa-engine wash ito?

  6. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    35
    #6
    ok lang yan ipa engine washing pero palamigin mo muna yung engine bago basain, baka mag crack dahil sa sudden change of temp.. sa tingin ko gasket yung may tama, makikita mo yung oil seal kung may problem pag nabuksan na, sa ngayon gasket muna pero once na binuksan na yan. siguradong magpapalit ka na rin ng tuluyan, dahil baka magkadamage habang binabaklas, minsan kasi masyadong madikit yan at sinasabayan pa ng sealant kaya possible na masira sya..

Tags for this Thread

Oil Leak Problem