New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 27
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    43
    #1
    Hi mga sir hingi lang ako ng opinion regarding my engine ko 2nd hand namin nabili yung highlander namin siguro almost morethan 5 yrs na din sya samin. Ngayon lang nagbago yung andar nya. Ganito kasi yung napapasin ko kapag bagong start palang yung sasakyan namin and mababa pa lang yung temp nya ok pa yung idling nya usually nasa 1/4 below ang temp ng engine kapag hindi gumagamit ng aircon or kahit matraffic & mainit yung panahon. Pero pansin ko na bumababa yung rpm ko ng mga 50-100 kapag medyo matagal na sya umaandar hindi pa naman sya problem kung ganon lang. Ngayon napapasin ko kasi kapag nag-aircon ako and yung temp ko umabot ng almost 1/2 e bumababa yung rpm halos parang mauubusan na ako ng fuel and parang mamamatay yung engine pero hindi pa naman empty yung tank ng fuel ng sasakyan, inaadjust ko na lang yung idling ko sa may dashboard para imaintain ko yung rpm and hindi mamamatay yung engine. Minsan ginawako off ko muna yung engine and binuhisan ko ng tubig yung radiator para medyo bumaba yung temp and medyo mapahinga, pagstart ko after mga 5mins medyo hindi na sya parang naghihingalo pero yung rpm masmababa pa din compared kapag malamig talaga yung engine. Hindi na lang ako masyado gumagamit ng aircon ngayon. Hindi kaya sa injector pump yung problema ng sasakyan ko? possible po ba na affected yung injector pump kapag medyo mainit na yung temperature ng engine? Kailangan ko na po ba talaga ipacheck sa diesel calibration center yung sasakyan ko? thank!

  2. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,682
    #2
    Sir,

    Try to check the vacuum activated idle up. baka butas ang mga hose or sira na. Baka ang cause ng overheating is the low idling. Wild guess!

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    28
    #3
    GundamWing,

    Pansin ko rin yan sa Hi-lander ko. Pag malamig pa engine, medyo mataas ng konti and idling pag mainit na bumababa ng konti. Hindi consistent. Hanap pa ako remedy para doon. Try ko siguro palinis injectors.

  4. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    43
    #4
    sir 4JGtootsie,

    Yung "idle up" na sinasabi nyo yun yung nagaadjust ng RPM kapag nakabukas yung compressor ng aircon diba sir? In good condition naman sya and working properly tinignan ko din kung may sinasabitan sya kapag nagoff na oks naman.

    Using Aircon
    1) regarding sa case ko once na nagautomatic na yung aircon (off mode yung compressor) pagbitaw ng "idle up" and yung temp ko is almost 1/2 gninig to the bones na engine ko na dapat bumalik yung RPM sa dating level kapag off na yung compressor.
    W/o using Aircon
    2)Kapag medyo matagal na sya umaandar nakabyahe na ako good naman temperature ko mga below 1/4 pero yung RPM ng engine is meydo bumababa pa din ng level ng 10-15% pero ok pa naman sya hindi pa naman sya hastle.

    Yun yung napansin ko kapag medyo masmaninit na yung temp nagbabago na RPM.

    Thanks!
    -------------------------------------------------------------------------

    Sir Nansky,

    Same experience pala tayo medyo hindi consistent yung RPM, grabe lang yung sa case ko. Sir balitaan mo ako kapag nakapgpalinis ka na. humingi muna ako ng mga ipinion bago ako magtake ng action balita ko kasi medyo expensive ang magpacalibrate.


    Thanks,

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    28
    #5
    GudamWing,

    I've changed my mind, di ko na pinagalaw injectors although mura lang sana ang cleaning of injectors - P50.00 per injector X 4.

    Ginawa ko ay adjust Idle Up (aircon engaged) to 800 ~ 900 RPM while natural idling to 700 ~ 750 RPM vibration lessened but maugong naman.

    Sana may makapagbigay ng solution para dito sa case natin.

  6. Join Date
    May 2004
    Posts
    190
    #6
    Quote Originally Posted by nansky View Post
    GudamWing,

    I've changed my mind, di ko na pinagalaw injectors although mura lang sana ang cleaning of injectors - P50.00 per injector X 4.

    Ginawa ko ay adjust Idle Up (aircon engaged) to 800 ~ 900 RPM while natural idling to 700 ~ 750 RPM vibration lessened but maugong naman.

    Sana may makapagbigay ng solution para dito sa case natin.
    Share ko lang po yung experience ko....

    Had the same problem when I changed my airfilter to simota racing. Parang namamatayan ka pa naka idle, namamatay pag nag aircon ka. I also did adjust the idling before I started driving. Natural idling is about 800-900 while aircon engaged is 1000-1100. Medyo mataas but the problem went away. Maybe its because of the increased amount of air intake that i'm getting.

    Try to use STP diesel additive in the fuel tank and take your vehicle for a really long drive (6 hrs non-stop or more). Try asking the previous owner (if you still can) how many times in a year does he do long driving. There might be some buildup in the injector nozzle if the vehicle didn't actually go on a long drive. And sir, NEVER adjust the idling when you've started driving. Masisira po yung mechanism niya at napakamadugo niyan kung papalitan. If you have to adjust the idling, do it before you go on your drive.

    HTH

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    240
    #7
    Na-experience ko rin yan sa pickup ko. Highlander at fuego pareho lang na 4ja1.

    Eto mga suggestions ko base sa experience ko at based sa laki ng gagastusin mo:

    1.) Try mo observe and fan mo (radiator fan). Kung malamig at umaandar ang makina, dapat medyo loose ang ikot ng fan. To check, patayin mo engine tapos observe mo fan. Dapat umiikot pa rin siya na parang free-wheeling kasi di pa humihigpit ang fan-clutch. Heat activated kasi ang fan clutch.

    Kung mainit na ang makina, dapat hihigpit ang fan clutch at mas lalakas ang higop ng fan blades mo. To check, dapat mainit na (operating temp), patayin mo ang makina, ang fan blade mo dapat instant stop. Kung nag free wheel siya, sira na ang fan clutch. Papalit ka ng fan clutch (yung orig kung maari). Around 2,000 ang orig. Piliin mo yung nare-refill yung silicon oil.

    2.) Observe mo ang voltmeter mo. Na obserbahan ko na habang umiinit ang engine, humihina ang kuryente. Pa-test mo alternator mo sa mga battery shops. Yung voltage during idle, bukas AC, bukas headlight, operating temp, at 1500rpm dapat 13+. Kung 800rpm, above 12v. Below that, manginginig makina. Kung below 12v, paayos mo alternator. Malamang pudpod na carbon brush. Cguro mga 2500 mga parts and labor.

    3.) Kung walang problems sa 1 and 2, palinis ka ng injectors. Around 3K ang gastos.

    4.) Kung wala namang problems sa 1, 2, and 3, pa calibrate ka ng pump. Baka mahina ang fuel delivery. Mga 7k ang gagastusin mo.

    Tungkol sa ugong, palit ka ng engine oil. Gamitin mo Delo Gold Multigrade. From experience, pinaka-smooth ang engine kung oil na ito gamit mo.

    Mag biodiesel ka na rin para mas smooth ang makina at less usok pa.

    Sana makatulong.
    Last edited by Hibiki; April 24th, 2007 at 11:34 AM. Reason: Spelling

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #8
    wow palinis ng injectors 3K! dito singil is 125.00 per injector if sila kukuha, if removed na already 80.00 each lang.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #9
    wow palinis ng injectors 3K! dito singil is 125.00 per injector if sila kukuha, if removed na 80.00 each lang.

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    240
    #10
    Linis and calibration ng injectors (sa Bosch authorized center). P125 lang sa inyo? Saan yan? Diyan na ako magpapalinis sa susunod.

Page 1 of 3 123 LastLast
Is it my injector pump? isuzu 4ja1