
Originally Posted by
youngrider
Mabilis bang magbawas ng tubig sa reservoir o sa radiator. If (+) baka head gasket nga at bengkong na cylinder head.
Ano ang amoy ng usok, amoy gasolina ba, matapang ba sa mata at ilong.
Puting puti ba ang usok o bluish, kasi ba bluish maaring hindi maganda ang lapat ng piston rings at bores maaring di tama ang specs ng piston rings o di maganda ang break-in after the repair.
Dahil palaging fouled out (napupundi?) ang spark plugs mo maaring di nga
maganada ang lapat ng rings at bores. Yung valve guides wala ba diperensya.
Di kaya mali ang kabit ng valve seals. Wala bang oil leaks sa paligid ng makina mo dahil sobra ang nalagay na engine oil causing excessive crancase pressure.
Paano mo ba ginamit o break in kotse mo after the repair, kasi medyo mausok talaga sa simula pag ginalaw mo yung rings or bores but once na na-break in na e wala na rin mga oras nga lang e wala na driving it at moderate H-way speed. pero kung pa idle-idle lang di talaga lalapat ng mabuti ang rings kelangan ng heat to expand the rings and bore at ng maghasaan o magkiskisan sila ng maayos.