New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    9
    #1
    ganito po nangyari....
    nagpaservice ako ng 40k km or 2 years ng honda city namin yesterday.
    major service ginawa. palit ng engine oil, filter etc....

    8am ko pinasok, 430pm ko na nakuha sabi 3pm pero di pa tapos. so panatag loob ko na talagang pulido ginawang service...

    so pagkalabas ng auto uwi na ng bahay. may napansin akong amoy gas sa garahe. kala ko ok lang, silkip ako sa ilalim, may tumutulo. yun isa galing aircon, yung isa di ko alam. huminto naman patak after a few minutes.


    pero today feb 20 nagpagas muna ako bago nagbyahe from pampanga to manila...
    ok naman takbo sa NLEX. pero eto na, kadating ko A.Boni, napansin ko ang bilis bumaba ng gas level...

    halos full tank bago ako nagbyahe. hangang pagdating sa tapat ng north cemetery, pumapalya yung engine, parang yung biglang nagrerelease ng clutch, so park ako and check...

    ang lakas ng amoy ng gas!!!! tapos silip ako sa ilalim, ang lakas ng tulo ng Gas parang umiihi!!!

    buti na lang nasa tapat yung caltex so pinacheck ko dun at nataranta pa yung mekaniko kasi delikado daw yun. may spark lang sa daan or yosi pwede magliyab at masunog or sumabog ang auto! ginawan nila ng remedyo pero ganun pa din, nabawasan lang ng tagas. so sa honda kami talaga pupunta.

    nakita ko yung tube sa bandang gitna lumalabas yung gas. so tawag kami agad sa honda pampanga para magreklamo at magpaassist, as usual sorry ang sinabi at sabi na dalhin sa pinakamalapit na honda service center.

    delikado na nga di pa pina-Tow or anything. maiinit na ng time na nakadating kami manila. natakot na din family ko na kasama ko baka daw bigla na lang magliyab.

    yung binayaran ko sa service yesterday is P11,800+ pra sa 2 year service tapos ganito nangyari. lumuwas kami papunta manila para magcelebrate ng birthday party ng mother namin sa tagaytay. pero eto kami ngayon nasa honda cars magallanes.

    may defective na fuel filter daw ata or gasket. papalitan nila libre. nung una, pinapaiwan yung auto sa casa then sa monday na makukuha. ang problema di naman kami taga dito. so pinakiusapan namin na unahin na muna at pumayag naman.

    ok mga tao ng honda wala ako masasabi pero yung kapalpakan at aberyang nangyari sa amin, birthday pa ng mother namin e nakakaasar!

    ano po ba masasabi nyo dito? may pananagutan ba ang honda samin? ano ba pwede namin idemand sa kanila? kasi serious na bagay yung GAS ang tumatagas, 2x ako nagpakarga para lang umabot sa magallanes.

    hindi din siguro maganda para sa honda cars philippines na may honda city na nasusunog sa hi-way....

    help po... suggest anything... thanks!!!

  2. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    15
    #2
    ano na nangyari?

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    9
    #3
    update lang... di nila na test drive ang auto before irelease sa akin after maservice sa honda pampanga...

    ganun ba talaga? ibabalik na lang pag may problema? gaya ng nangyari sa amin?

    kaya nga ipinaservice para sure na walang sira and safe kami na magbyahe di ba? hindi din naman ako mekaniko para malaman agad na may problema ang auto nun irelease nila.

    sinabi ng honda pampanga na nadouble check naman daw nila at nun kinuha ko yun auto e pinakita pa sa akin yung loob ng cabin na ok, na carwash pa. pero sisilipin ko pa ba naman sa ilalim yun auto nung time na nakapark na sa harap ko? trabaho nila yun!

    pupunta ako today sa honda cars pampanga para kausapin sila tungkol sa nangyari...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,842
    #4
    Quote Originally Posted by hanseltroy View Post
    update lang... di nila na test drive ang auto before irelease sa akin after maservice sa honda pampanga...



    sinabi ng honda pampanga na nadouble check naman daw nila at nun kinuha ko yun auto e pinakita pa sa akin yung loob ng cabin na ok, na carwash pa. pero sisilipin ko pa ba naman sa ilalim yun auto nung time na nakapark na sa harap ko? trabaho nila yun!

    :

    Alam mo sa dami ng sineservice nila na auto hindi na talaga matetest drive iyan, lalo na kung sa it falls under the PMS category.

    Yung sinabing na double check eh pang Pacify na lang sa iyo yun, d na talaga na dodobol check iyan, ang dinodobol check lang dyan ay kung may naiwan silang tools hehehehehe

    Yung pinakita na daw yung cabin na malinis at nacarwash na, eh inaasume ka na wala kang alam sa auto. ano ba naman yung koneksyon ng nacarwash sa tumutulong tangke sa ilalim d ba?

  5. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    9
    #5
    Quote Originally Posted by MAXBUWAYA View Post
    Alam mo sa dami ng sineservice nila na auto hindi na talaga matetest drive iyan, lalo na kung sa it falls under the PMS category.

    Yung sinabing na double check eh pang Pacify na lang sa iyo yun, d na talaga na dodobol check iyan, ang dinodobol check lang dyan ay kung may naiwan silang tools hehehehehe

    Yung pinakita na daw yung cabin na malinis at nacarwash na, eh inaasume ka na wala kang alam sa auto. ano ba naman yung koneksyon ng nacarwash sa tumutulong tangke sa ilalim d ba?
    ganun nga nangyari kasi nadatnan ko pang nakataas sa lifter yun auto 3:30pm then carwash after at tinawag nako 4:30... pwede na daw! uwian na nyan kasi sila eh... bka nagmamadali!

    malamang pati yung nag car wash sa casa e naamoy din yun GAS kasi inikot pa nila papuntang carwash area yun auto.

    ang duty pa din ng mechanic is to make sure that the vehicle is safe to use and is not of danger to the driver or his passenger...

    pero sa nangyari... yung buhay naming magpapamilya e nalagay sa peligro nun time na yun.

    [SIZE="6"]we were a walking time bomb na pala!!!!
    [/SIZE]

kapalpakan ng honda cars pampanga