Hi mga sir hingi lang ako ng opinion regarding my engine ko 2nd hand namin nabili yung highlander namin siguro almost morethan 5 yrs na din sya samin. Ngayon lang nagbago yung andar nya. Ganito kasi yung napapasin ko kapag bagong start palang yung sasakyan namin and mababa pa lang yung temp nya ok pa yung idling nya usually nasa 1/4 below ang temp ng engine kapag hindi gumagamit ng aircon or kahit matraffic & mainit yung panahon. Pero pansin ko na bumababa yung rpm ko ng mga 50-100 kapag medyo matagal na sya umaandar hindi pa naman sya problem kung ganon lang. Ngayon napapasin ko kasi kapag nag-aircon ako and yung temp ko umabot ng almost 1/2 e bumababa yung rpm halos parang mauubusan na ako ng fuel and parang mamamatay yung engine pero hindi pa naman empty yung tank ng fuel ng sasakyan, inaadjust ko na lang yung idling ko sa may dashboard para imaintain ko yung rpm and hindi mamamatay yung engine. Minsan ginawako off ko muna yung engine and binuhisan ko ng tubig yung radiator para medyo bumaba yung temp and medyo mapahinga, pagstart ko after mga 5mins medyo hindi na sya parang naghihingalo pero yung rpm masmababa pa din compared kapag malamig talaga yung engine. Hindi na lang ako masyado gumagamit ng aircon ngayon. Hindi kaya sa injector pump yung problema ng sasakyan ko? possible po ba na affected yung injector pump kapag medyo mainit na yung temperature ng engine? Kailangan ko na po ba talaga ipacheck sa diesel calibration center yung sasakyan ko? thank!