Auto ko po ay ae92 na may 4af na makina.
Fuel consumption in city driving environment: 5km/L.
Newly overhaul po sya pati head. Kasama nga din ang carb pero ang takaw sa gas.
Do i need to buy a new carburetor o mas ok na magpaoverhaul ng carb?

About sa carb:
Walang tagas ang AAP nya, nasa tamang level ung fuel dun sa may glass sight. Ang idling, sa cold engine naglalaro sa 500rpm, pag naginit na nasa tamang 800rpm idle sya. Wala namang abnormal event kung ibibirit. Ok din pag naka aircon. Yung mga vacuum lines di ko sure kung tama pero mukhang ayos pa naman, walang mga leaks. Sakit lang talaga sa bulsa ng konsumo para lang naka v8 lol. Ang hindi ko lang alam testingin kung bukas ba yung big butterfly nya kahit naka idle kaya lumalamon ng gas o iba ang sukat ng jettings. Ayoko namang buksan para i check ang jettings kase baka hindi ko maibalik lol. Naka 2x balik narin ako dun sa gumawa ng carb pero walang pagbabago kaya bottom line ayoko na ipagalaw sa kanila.

Location ko po ay laguna pa, kaya kung may maisu-suggest kayong magaling talaga sa carb na makakatulong po sa pag diagnose mas makakatulong talaga. TIA