hmmmm para mabutas ang block mo ng ganun isa lang ang ibig sabihin nyan masyadong kulang ang langis ng makina mo.

kung naghahanap ka ng PH16 walang japan surplus nyan dahil ang code ph sa makina ng mga honda ay dito lang sa pilipinas yan bale makakakita ka ng katapat sa ph16 yan ay ang d16.

ang karamihan ng mga nag eengine swap sa mga ESi, LX at hatchback or kahit yun LXi or Vti nila kung single over head cam (SOHC) ang madalas na pinipili nila ay ang D15b na VTEC na galing sa EG kasi malakas ito ay mas agressive kesa sa D16 1.6 kahit 1.5 lang ang D15b vtec.

ngayon kung gusto mo naman ang D16 puedeng puede rin kung gusto mong maging malakas yan ay ang ilagay mong ECU or computer box ay yung sa D15b na vtec galing EG hatchback (itlog) kasi maraming nag sasabi sa akin ang vtec-e at yung D15b na nakalagay sa EK-3 hatchback Vti or ay mahina kahit pa ang makina na mismong vtec-e at D15b na vtec na nakalagay sa EK-3.

ang presyo ng D15b vtec at D16 ay halos parehas lang ranging price nyan from 30-35k mapa-manual or matic tranny bale ang wiring at engine mounting 12-15k naman kung naghahanap ka kung saan ang ang bilihan mura nyan meron sa blumentritt, evangelista at banawe pero mas maganda kung sa evangelista at banawe ka na lang pumunta.

para maganda kung maraming surplus shop ay mag canvass ka kung saan mura kasi kapag lumagpas na ang presyo ng makina sa 35k masyado nang mahal yan, hangga't maaari ay makipag tawaran ka para makamura ka at pagawa ka ng quotation mula sa mga surplus shop kung magkano ang makina at labor (wiring at mounting)