Saan ba pwede kumuha ng kuryente yung fuel pump?
Ganito kasi yun, yung antique fuel pump (ewan ko kung vacuum/mechanical) ng '46 Ford ay natitigok na. Ito yung fuel pump na may 'baso' pa.
Bumili yung father ko ng Japanese replacement fuel pump (Maruzen?). Na-hook na namin sa fuel line and sa dun sa carb. Kaso hindi namin alam kung paano kukuha ng power. Nilagay namin yung wires dun sa + at - bolts ng coil pero ayaw umandar ng pump. For testing purposes, nirekta na lang namin sa battery yung fuel pump. Umandar naman siya and nag-start yung sasakyan. Kaso hindi naman pwedeng habang buhay na naka-rekta yun sa battery.
Saan kaya ito pwede i-tap? Salamat.





Reply With Quote