Quote Originally Posted by 4A-FE GLi View Post
Sir boy_tino, Maraming Salamat po sa pag sagot sa aking katanungan, kulay blue po ung optimum na gamit ko, tas ndi ko narin po huhugasan o lalaban ang aking filter, cone po ito. Maari po bang malaman kung anung efficient speed kapag long drive? Ginagawa ko po kasi 60 to 70kph lang po. tapos po nag shishift nako before ng 2000 RPM. Mga 1800 RPM po ako nag shishift. Matipid po ba sa Gas ito?

wala yon sharing of ideas and experiences lang naman tayo dito pag dating sa tsikot.

good naka blue ka pala saka sa airfilter naman kung isang beses mo naman lang nalabhan dito ok pa yan basta wag paulit ulit dahil sigurado masisira na talaga yan dahil kakalawagin na ang screen na naho-hold sa filter...anyway kung bibilhin mo lang ay cone lang tignan mo na rin presyo ng set sa cone lang pero kung super mura kung cone lang ang bibilhin mo para palitan ang filter mo, go go go, pero kung ang presyo ng filter ay konting halaga na lang ay makakabili ka na ng set ay doon ka na ng isang set ay yun na ang bilhin mo.


long drive naman dipende yan sa klase ng daan at situation gaya ng traffic flow kung maluwag naman gaya ng sa expressway puede na dyan 100kph mabilis na yan, pero para sa akin kung maganda or nasa tama ang timing ng maganda naman ang clutching mong lalo na kung bibitawan mo ito pag nakambyo mo na at maganda rin naman ang sunod pag tumapak ka sa accelerator pedal na hindi parang hindi lumulundag ang kotse mo yun matipid sa gas yun lalo na kung hindi nahuhuli or nagiging avanced masyado ang tapak mo sa accelerator kapag nag-release ka ng clutch pagkatapos mong mag kambyo

ok yan ideal speed na sinabi mo matipid sa gas yan.

tanong ko lang kapag nakakarinig ka ng tagatik sa makina mo dun ka palang nag dodownshift or kahit nagiginig lang kapag humihina na ang hatak ng kotse mo? lalo na kung nasa side street ka?.

wag mong gagawin yun dahil kapag palagi mong ginagawa yun masisira ang vavle mo at mawawala pa sa tamang clearance valce clearance yan saka di lang yan lalakas ka pa sa gasolina.