mayroon lang po akong konting katanungan sana po may sumagot please po
1. 1-3-4-2 ang firing order ng engine,at 1-3-4-2 din ang firing order ng injection pump type na fuel system. Sa CRDi naman po, sa CR po ba? or sa pump? or sa CBox? nanggagaling ang firing order na 1-3-4-2? Sa computer box.
2.paano nagiinject ang injector na tumutugma sa firing order ng engine,like VE type injection pump na my firing order n 1-3-4-2? Naka-program ang firing sequence sa CBox.
3. papaano sumasabay ang paginject ng injector sa pagtop ng piston. ano po ang nagdidikta sa ECU para itrigger ang injector solenoid para maginject at sumbay sa pagtop ng piston? Meron sensors ang engine kagaya ng accel pedal, rail & boost pressure sensors, crankshaft & camshaft sensors, at marami pang iba. Nakikita ng ECU ang mga signals nito, tapos nagpapadala siya ng actuating current sa mga injectors. Pabago-bago ang timing and current duration na pinadadala niya sa injectors, depende ito sa nakikita nyang signals na nanggagaling sa mga sensors.