New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    19
    #1
    mga sirs..

    nakaka inis na ung 92 5k lite ace namin.lakas kasi sa gas 4.5km/l city driving average consumption nya.my question is,pwede ko bang i convert ito ng diesel and what kind of diesel engine?
    magkano kaya aabutin?and lastly san ako makakatipid lpg or diesel engine conversion(if possible)?

    thankss

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #2
    Well, there are turbo diesel japanese lite ace engines that'll be drop-in.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #3
    alam ko may mas malakas na gas engine for the liteace. the stock one is too underpowered for the liteace's body, hence, the poor fuel economy. antayin mo reply ni alwayz_yummy.

  4. #4
    yes? 2c-te JDM 4wd liteace ung akin....yes drop in ang 2c-t sa ride mo..but, ang prob is kung match sa rear diff, ung final gear ratio baga...plus total flush ka sa tank and oil/fuel lines. dagdag ka ng fuel filter and baka maiba air intake piping and element...basta madami, in the end, its much more feasible to sell your ride and buy a h100/delica..pati ata headers mo baka ibahin din..

    advice ko, dun ka 7K, or ung 7ke ng revo(1.8L)....i think 4age will fit, hanap ka lang ng m/t tranny na sasalpak,e...ung sa vx200 na revo, baka may makita ka....

    matipid ang 5k, 1500cc! pero sa bigat ng liteace(1600kgs-curb wt) tama lang siya pang curb, panu pa pag kinargahan...

    3c-t will also fit, but be sure di EFI, kung EFI naman na 3c-t, make sure kasama ang computer box....kaya lang matic karamihan ng 3c-t...no m/t like 2c-t...

  5. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2
    #5
    Mga bossing, newbie po ako dito... hihingi lang po ng advice... i recently got my father's old liteace - 1986 yata yun. Ang history ng sasakyan is this, the original engine was 5k then nung nagkaproblema yung makina, pinalitan ni erpat ng 1c na diesel nung mga mid-1990's. Sa laki ng makina, pinukpok yung hood para di sumayad sa ulo. In short, nagawan ng paraan para maisalpak yung makina. Result: Medyo may pukpok yung hood at sumikip sa area ng makina kaya hindi na rin nalagyan ng aircon.

    Nung 1999, hininto gamitin yung van para sana ipaayos yung ilalim at ipabody repair although at that time, ok naman ang performance ng engine. However, nabody repair nga yung van pero di na din nagamit dahil kinapos sa budget para sa ilalim. Nanghihinayang ako sa van kaya hiningi ko na lang sa father ko and just last month, I asked a diesel mechanic to try start the vehicle despite despite the fact na almost 7 years na syang di tumatakbo. Nung napatakbo ng mekaniko, he told me na ok pa yung engine pero kelangan daw ipaayos yung injection pump and some stuff regarding calibration. He approximate na maximum of Php 6K daw ang magagastos sa calibration. He recommended Larga dito sa Las Pinas. However, iniisip ko baka sa tagal na di nagamit ay baka dina ok yung makina at sayang lang kung gagastos ako sa Larga. Feeling ko kasi baka di lang calibration but a full overhaul ang kelangan kaso ang hirap alisin at isalpak ng makina given sa sikip. I am thinking of changing the engine but am at a loss kung gasoline or diesel pa din. Preferred ko sana yung engine na di masikip para pwede kong lagyan ng aircon. Meron ho ba kayong marerecommend na kind of gasoline or diesel engine and kung saan pwede makabili nun at estimated prices? Best din po kung may contact numbers kayo na maisasama. Also, any feedback kung ok nga sa Larga? Ipa-project ko po kasi ito para na din may magamit ako since after I sold my Nissan Sentra last February ay kadilakad at kada-commute ako.

    Salamat po sa inyong suggestions/recommendations and for taking time. More power!!

  6. #6
    kung ok na sayo power ng 1c(1.8L diesel) cge, pero kung ako sayo, palit ka either 2c-t or 3c-t...

    mines 2c-t ever since, matic nga lang --> click here.... pag manual, hataw na, much more kung 3c-t....mine's a work in progress...got bigger secrets muna here...2ct and 3ct are bolt-ons....lalo na kung naka-1c na yan...

    ganito nalang gawin mo, napagawa mo na ung body? go JDM ka din!, pang ilalim nalang....ganito, mas mura kung kukuha ka ng lite/town ace na pick-up, kahit bulok, basta condisyon pang ilalim, 4wd kunin mo para may kasama akong 4wd!

    why pick-up, may jdm diesel guage na! may rpm, kung 4wd, aalisin mo nalang ung pang-ilalim lipat mo sa ride mo...

    dont worry, i just found out na similar ung front diff ng 4wd liteace sa makikita mo sa local nating feroza..in short a van-type feroza siya!

    lists:
    kung may 4wd pick-up transfer mo lang sa liteace mo, dont forget the rehistro..

    kung 2wd, ganun din, pick-up type, swap.

    2c-turbo pag 4wd, most are non turbo...

    otherwise:
    2ct or 3ct
    pang ilalim restore
    sligthly bigger front brakes....


    kung gusto mo balik gas(kasi im sure guages mo lalo na ang rpm guage) is for gas:
    7K(ng FX) or 7K-e(ng revo)..if makakuha ka ung 2.0 gas ng revo, sulit na sulit..tipid ka sa highway, tulin pa! pero sa city.....ok na din...ganda ng hatak nun!

    kung gusto mo maging show stopper at WOW, lagyan mo ng 4AGE 20-valves black-top...or 3S-GE/3SGTE, hanap ka nalang ng compatible rwd tranny....
    Last edited by alwayz_yummy; October 11th, 2006 at 02:00 AM.

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2
    #7
    sir alwayz, salamat. Bilis ng response I will consider your suggestions including the possible mods. Pasensya na po at mejo konti lang alam ko sa sasakyan sa ngayon pero ano po pala ang ibig sabihin ng JDM?

    Yup, nabody repair na yung van although since si erpat ang nagpatrabaho nung body repair (at dito lang sa house ginawa), I noticed na may mga sala sa naging resulta i.e. certain portions of the rubber linings ng mga salamin are not properly re-attached. Kasama na sa overall plan ko yung pagaayos nung mga iyon including ceiling upholstery. At the moment, concern ko talaga yung makina kasi iniisip ko, maayos ko lang muna yung pag-andar then isusunod ko na yung iba. Yung 2c-t or 3c-t engines mo po, saan po ba pwedeng makabili ng ganun and approximately how much? Thanks.

  8. #8
    click mo ung link ko, kuha ka ng idea sa ride ko..thats a real JDM(japan domestic market) liteace, converted ung sa akin!

    2c-t(sought after yan ng FX users, matipid at malakas pa!) will cost around 20-30thou na....(kasi mahal ang gas...) dont worry much kasi di naman kailangan ung computer box, pwedeng rekta..

    3c-t, ingat ka sa pagbili, may mga EFI models yan, pero masmatipid and more powerful ang 3c-te.. pag walang mechanical rotary pump, EFI yun! dapat may computer box yan pag binili mo..ay, stated ko na pala sa taas!, mga 30 thou up ang 3c-t...

    tranny and mounting not included....

    kaya suggestion ko kuha ka ng pick-up type.. para isang gastusan nalang, di ka na maghahanap pa ng piyesa..mura lang ang pick-up type, sa bidding ka kumuha, sa malinta lang para malapit...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #9
    Try mo muna pa tune up. malakas yan for a 5K engine, mga 7-8 lm/liter on the ave ang consumption niya. yun 7K mga 5km/li. IMO, better sell your ride and get a diesel Revo, Adventure or Hi-lander/crosswind.

changing gas to diesel engine??